SA LAHAT na lang ng aspeto ng buhay, kakompetensya ko s’ya. Sa college, sa sports, sa atensiyon ng paborito kong propesor. Ewan ko pero nasusura na talaga ako sa kan’ya at minsan parang gusto ko na s’yang buhusan ng kumukulong mantika. Alam ko naman na may binatbat ako sa ‘ming dalawa. Sa katunayan, sikat ako sa unibersidad namin bilang isa sa pinaka-magandang estudyante na laging ipinalalaban at laman ng mga school pageant. Matalino rin ako at sporty pa. Pero sa ‘ming dalawa, matinik at sikat s’ya sa mga kapwa namin babae. Isama n’yo na rin ang mga lalaking nagkakandarapa at naglalaway sa kan’ya tuwing naglalaro s’ya ng basketball. Hay, naku. Pakiramdam ko nasasapawan na n’ya pa rin ako. “Girl, iwasan mo ‘yung bola!” Sigaw ng teammate ko pero huli na para makita ko ang paparating na

