FIRST TIME kong magbo-boarding house since mag-aaral na ako sa city. At kahit hindi ako sigurado sa mga taong makakasama ko du’n, tinuloy ko pa rin dahil desidido akong umalis sa comfort zone ko at sumubok ng bagong buhay. Bunso ako sa tatlong magkakapatid. Ang dalawa kong kuya ay over protective sa akin dahil ‘yun ang kabilin-bilinan sa kanila ng parents namin bago sila umalis para magtrabaho abroad. Bale, iniwan nila kami kina Lolo at Lola. Lumaki ako na sanay sa shelter ng pamilya ko at palaasa sa kanila. Pero pinangako ko sa sarili ko na gusto ko namang tumayo sa sarili kong mga paa. Natatandaan ko pa na kakilala ng kamag-anak namin ang may-ari ng boarding house na tutuluyan ko sa city na nagkataong dalawang split at limang tumbling ang layo sa university na papasukan ko. Bale, bago

