Napaupo ako bigla sa kama nang makarinig ako ng malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Mabilis kong sinuot ang tsinelas sa gilid ng kama at saka binuksan ang pinto. "Manang, ano pong nangyayari?" diretsong tanong ko. "Ms. Camila, buti na lang gising ka na. Kanina pa ako kumakatok sa pinto, pinapatawag ka ni Don Badong. Bilisan mo, kanina ka pa niya hinihintay sa sala," sabi ni Manang Tisay. "Po? Bakit, anong pong meron, Manang?" takang tanong ko. "Hindi ko rin alam, Ms. Camila. Basta nakita ko na lang sa mukha niya, galit na galit si Don Badong," sagot niya. Mabilis akong nagpalit ng damit, saka lumabas ng kwarto at dumiretso sa sala kung saan naghihintay si Don Badong. Hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko; naghalo ang kaba at takot sa dibdib ko. Ano na naman kaya ito? tanong ko s

