"Mr. Gu, buti naman at tinanggap mo ang imbitasyon ko na dumalo sa kaarawan ng tatay ko ngayon," ani Miguel sabay lahad ng isang kamay. "Of course, Mr. Acosta, I'm sorry kung medyo natagalan ako," sagot ng lalaking nakamaskara habang inabot ang isang kamay niya para makipagkamay kay Miguel. Agad akong ibinaba ni Miguel saka hinawakan ang isang kamay ko. "Me, mauna ka nang pumasok sa loob, okay? Kakausapin ko lang ang bago kong business partner." "Ayos ka lang ba?" tanong niya nang makita akong nakatitig sa lalaking nakamaskara. "Mukhang pamilyar sa akin ang boses niya, pero malabong mangyari na siya si Kim. Hindi kaya guilty lang ako sa ginawa ko kay Kim?" Agad akong umiling at saka ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. "Miguel, sino siya?" bulong ko. Napalingon ako bigla sa

