Matapos makausap si Loriene, agad akong lumabas ng kwarto niya at dumiretso sa aking kuwarto. Habang naglalakad ako sa pasilyo ng mansyon, bigla akong hinawakan at tinakpan ang bibig ko ng isang kamay. Pagkatapos, dinala ako sa isang madilim na silid na walang ilaw. "Camila, alam mo ba kung ano ang ginawa mo ngayon?" malamig niyang sabi habang naririnig ko ang mga yapak na papalapit sa kinaroroonan ko. "Ano bang kailangan ng matandang ito sa akin? Bakit niya ako dinala dito? Plano ba niyang patayin ako?" bulong ko sa sarili ko. "Ano pong kailangan n'yo sa akin, Pa? Bakit ayaw n'yong i-on ang ilaw para makapag-usap tayo ng maayos?" "Camila, you are indeed smart and clever. You fear nothing. You can't even bring yourself to be afraid that this might be your last breath." "Pa, alam kong

