Allison's Pov Niyapos ko yung unan, ang tigas naman ng unan ko. Wait? Bakit matigas ang unan ko? Dinilat ko ang mata ko at agad na napabalikwas, naalimpungatan naman siya kaya umupo si Tyronne sa kama ko at ginulo-gulo yung buhok niya. Ikaw ba naman magising na nakasandal ka kay Tyronne at ang matindi pa nakayapos pa ako sa kanya. Ang alam ko natulog ako sa kwarto ni Manang, paano ako napunta dito? “Binuhat kita malamang”Mind reader ba siya? “Hindi ako mind reader sadyang halata ka lang”Naghilamos ako at naligo na, late na kami. Bumaba na ako at nakita kong nakabihis na din si Tyronne, Aba! Handang-handa may dala na agad na damit. Sabay-sabay kaming kumain hays kung nandito lang si Dad bigla tuloy akong

