Allison's Pov Halos isang linggo na ang nakaraan nung inalagaan ako ni Tyronne. Hindi ko alam pero parang mag iba yung ugali niya sa akin, naging mabait siya sa akin. Umupo na ako sa upuan ko kasabay ko ngayon si Venus dahil nag sleep over siya sa amin kaya sabay kaming pumasok. Bigla namang pumasok si Tyronne, pansin ko din na ang aga na niyang pumasok dati naman kasi halos 2nd subject na siya pumapasok. “Good Morning Allison, good morning Venus”Bati sa amin ni Tyronne tinignan ko lang siya at bumalik na agad ang tingin sa libro “Good Morning din Tyronne”Ganting bati sa kanya ni Venus, feeling ko may gusto si Venus kay Tyronne. “Allison at Venus pwede ko ba kayong makausap sa secret room mamayang uwian?

