Allison's Pov Iika-ika akong naglakad, medyo madilim na dahil gabing-gabi na pala. Hindi ako napansin ang oras. Medyo ok na rin nman ako kaya hindi na ako nag stay kila Christian. Habang nag lalakad ako may nakasalubong akong tatlong lalaki at mukhang lasing pa itong mga ito. Naku naman! Bakit ngayon pa? “Miss mag-isa ka lang? ”Tanong nung lalaking amoy ihi, yuck! Ang baho niya! “Mukha bang may kasama ako? ”Pilosopo kong tanong sa kanya At mag sisimula na sanang lumakad ng hawakan nila ang balikat ko. “Ahhhhh”Sigaw ko dahil sa sakit. s**t! Lalo atang dumugo. Bigla akong tinutukan ng kutsilyo nung isang lalaki. Bakit ba ang malas ko ngayon? Poker face lang ako at hindi man lang natakot kahit na isang saksak lang niy

