Allison's Pov Nagising ako na nakatali sa may upuan. Nakita ko naman sa gilid ko sila Christian, Dominic, Venus, Migs at Austin na nakagapos at duguan ang mga ito. “Gising na pala ang mahal na reyna”Napatangin ako sa nag salita, inirapan ko lang ito at hindi nag salita. “Kamusta Allison? ”Napatigik ako ng makilala kung kaninong boses iyon. Hindi ako pwedeng mag kamali kay Christine na boses iyon. Dahan dahan akong lumingon at hindi nga ako nag kakamali kay Christine na boses nga ito pero bakit niya kasama si Caleb. “Christine? ”Takang tanong ko, teka nga muna! Naguguluhan ako. “Yes I am”Nakangisi nitong sabi, don't tell na mag kakampi sila ni Caleb? “Bakit mo kasama si Caleb? ”Kunot noo kong tanong dito Lumapit naman ito

