Allison's Pov Lumipas ang mga araw at si Tyronne ay lalong lumala. Naging nasagulero, babaero at bastos. Hindi ko nalang siya pinapansin kahit na gusto ko na siyang sapakin at patigilan sa kagaguhang gingawa niya. Mag isa lang ako ngayong nag lalakad sa may field. Walang masyadong dumadaan dahil simula na ng klase. Lagi na rin akong nag papalate ng pasok, ayoko ko kasing makita yung pambabae niya eh. Napatigil ako ng biglang may humarang sa akin na mga sa sampung lalaki. At mukhang mga basag-ulo at adik ang mga ito. Lalagpasan ko na lang sana sila kaso lang hinila ng isa yung bag ko. "Balita namin ikaw daw ang boyfriend dito ni Tyronne Samuel Montefalco"Ngayon ko lang napansin na taga ibang school sila dahil iba ang design sa unahan at ang kulay ng iniform. Hindi ko sila sinagot a

