Allison's Pov “Ano ba Tyronne? Di ka pa ba talaga babangon? ”Irita kong sabi kay Tyronne habang pinapalo palo siya ng unan, kainis! Ayaw pa ba namang bumangon. “Mamaya na”Sabi niya sabay takip ng unan sa mukha niya “Anong mamaya na? Ngayon na. ”Utos ko sa kanya habang nakapamewang sa gilid ng kama niya “Di naman aalis yung Dad mo dun eh, kaya pwede namang mamaya na lang”Sabi niya sabay ginugulo-gulo yung buhok niya “Aalis mamaya si Dad”Pag sisinungaling ko Isang linggo sa bahay si Dad, sinabi ko lang yun para bumangon na itong tamad na si Tyronne. Ipapakilala ko kasi siya kay Dad pero ayan tanghali na ayaw pang bumangon ni Tyronne. Kainis! “Bahala ka na nga d'yan! Kung ayaw mong mag pakilala kay dad, edi wag

