Allison's Pov “Tyronne bukas malaya ka na, bukas hindi ka na mahihirapan”Bulong ko dito Bukas ko na kasi ipapatanggal yung Machine sa katawan niya, tama naman kasi si Venus na machine na lang yung bumubuhay sa kanya “Alam mo nakakainis ka, ang tagal kong nag hintay kasi pinanghahawakan ko yung pangako mo na gigising ka. Pero bakit? Bakit hindi ka pa rin gumigising? 1 year na Tyronne. ”Umiyak ako habang hawak-hawak ko ang kamay niya “Gumising ka na ”Pag mamakaawa, miss ko na siya. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Blake. “Kailan kaya siya magigising? ”Tanong ko dito “Di ko alam” kibit balikat niyang sabi “Miss ko na siya”Tahimik lang si Blake na nakikinig sa akin. Umupo ako sa sofa at naupo

