12.1

1367 Words
SATURDAY had come.  Bandang alas siete ng umaga sila bumiyahe at wala silang imikan. Their destination was Hacienda Ricarte, which was located in Morong, Bataan, at napakalayo niyon sa kabihasnan. Parang isang oras na biyahe pa ulit mula sa Roman Highway. Bandang alas dose na nang makarating sila sa mansyon ng ninang ni Rovi. Nang makababa si Hailey ng kotse, hindi niya maiwasang mamangha. Halata kasing ubod nang yaman ng may-ari niyon. The garage was spacious enough to house ten cars.  Bitbit ang bagahe nila, niyaya siya ni Rovi na pumasok sa main entrance.  “Rovi!” pairit na bungad sa kanila ng isang babaeng maputi at may pulang buhok.  Lumapit kay Rovi ang babae at nakipagbeso-beso. “What’s up, Ysabel?” nakangiting bati nito. Siya si Ysabel? She scanned the girl from head to toe. Nakasuot ito ng cropped top na puti at denim na ripped jeans. Nakaramdam tuloy ng inggit si Hailey dahil nami-miss niya mag-crop top. Hindi pa naman siya halatang buntis siya pero may bilbil na siya. Ibinaling nito sa kanya ang tingin. “Oh, and who must be this beautiful girl beside you, Rovi? Girl friend, with space?” “Yeah. Meet Hailey, my girlfriend. No space.” Inakbayan siya ni Rovi saka hinarap. “Hailey, this is Ysabel. Do you still remember her? Girlfriend ng kambal ko.” Ysabel’s mouth o-ed in surprised. “Oh my God! Oh my God!” Pinaypayan nito ang sarili saka tumingin-tingin sa paligid. “Kenjo! Kenjo! Where the hell are you? Ibe-break kita kapag hindi ka pumunta dito!” Napakunot siya ng noo dahil sa reaksyon nito. Wow, ang OA? Niyaya siya ni Rovi na maupo muna sofa sa leftside ng grand staircase habang patuloy pa rin ang paghahanap ni Ysabel sa nobyo nito. Tanaw sa pwesto nila dining area. Humahangos naman na pumasok mula sa pinto sa dining area ang isang lalaking medyo mapayat at kahawig ni Rovi. “What?” hinihingal na anito habang palapit sa nobya. Pawisan ito at naghahabol ng hininga. Hula ni Hailey, nagmadali itong makarating. Itinuro sila Ysabel. “Oh, nandito na pala ang kakambal ko.” Lumapit si Kenjo kay Rovi at nakipag-brofist. ”Kumusta?”  “Pagod sa biyahe. At gutom na rin,” sagot naman ni Rovi. Nagkatinginan sila ni Kenjo at nginitian niya ito. Lumapit si Ysabel kay Kenjo. “Panget, guess who is she?” tanong nito habang nakatingin sa kanya. “Hmmm… make-up artist ni Rovi?” Naningkit ang singkit nang mga mata ni Ysabel. “Gaga.” “Ah, baka personal coach kung paano umaktong babae.” With that, binatukan ni Ysabel ang nobyo nito habang si Rovi naman ay nag-middle finger sabay bulalas ng, “Putang ina mo, Miguelito Juan!” “Girlfriend ni Rovi iyan, Panget! You hear me?” Hinawakan ni Ysabel ang tenga nito sabay sigaw nang, “Girlfriend!” Napalayo naman si Kenjo habang sapo ang tengang sinigawan. “Aray, ang sakit. Kawawa tutuli ko sa `yo,” reklamo nito. Tapos hinarap siya nito. “Pero seryoso, girlfriend ka nitong kakambal ko?” hindi makapaniwalang anito habang hinihilot ang likod ng tenga. Tumango siya. “I’m Hailey, by the way.” She thrusted her right hand forward to initiate a handshake. Tinanggap iyon ni Kenjo. “Ano namang nakita mo sa kakambal ko? Pinikot mo ba ito para maging lalaki—aray!” Bigla itong tinadyakan ni Ysabel. “Magtigil ka nga, Kenjo. Nako, mabuti pa, samahan mo akong ipaghain sila ng tanghalian.” Hinawakan ni Ysabel ang tenga nito at hinila pagawi sa kitchen. “Aray, Ysabel, masakit!” reklamo naman ni Kenjo. Hinarap ni Hailey ang katabi at nakitang ang sama ng tingin nito sa kakambal. Siniko niya ito.  Agad itong humarap sa kanya nang nakangiti. “Bakit?” “Sama ng tingin mo sa kakambal mo, ah?” “Nakakapikon, e.” Umiling-iling ito. “Pikonin ka pala?” Nginisian niya ito. “Not really. Wala lang talaga ko sa mood ngayon.” Humikab ito sabay inihilig ang ulo sa balikat niya. “Napagod ako. Gusto kong matulog.” “Kumain ka muna, uy?” Pero nakapikit na ang binata. “Ang bilis naman yata nitong nakatulog?” bulong niya. Akmang gigisingin niya ito pero natigilan siya nang makita ang mukha nito. Wow, ang pogi, isip niya. Rovi looked too precious when he’s asleep. Ang kalmado tingnan ng mukha nito.  Hanggang sa hindi niya namalayang napatagal pala ang pagtitig niya sa mukha nito. Kung hindi lang ito biglang nagising, hindi niya iyon mamamalayan. “Aaaaah!” reklamo ni Rovi. Bumaluktot ito at pilit na inaalis ang kamay ni Kenjo na nakahawak sa sensitive balls nito. Wait, nandito pala si Kenjo? Hindi niya ito naramdaman. “Ang landi ninyong dalawa, ha?” sabi ni Kenjo habang tumatawa na parang hinihika. Hindi pa rin nito binibitiwan si Rovi. Sa halip, hinila-hila pa iyon dahilan para mapasigaw lalo sa sakit ang katabi niya. “Tang ina, Miguelito! Bitiwan mo nga!” Sinipa-sipa nito ang kakambal pero umiilag ito habang ang dalawang kamay ay nasa braso nito at pinipilit na alisin. “Tang ina, tama na!” “Hoy, Kenjo!” sigaw ni Ysabel sa likuran ni Kenjo. Napitlag ang binata saka mabilis na binitiwan si Rovi at hinarap ang nobya nito. Rovi, on the other hand, curled like a ball with his hands on his crotch. Hailey giggled when she saw tears formed in his eyes. Bad! sita niya sa sarili saka hinarap ang kakambal nito. “Yes, baby?” sabi ni Kenjo sa nobya nito. Ngingiti-ngiti ito na parang batang bulastog. “Di ba sabi ko, tawagin mo na sina Rovi at Hailey?” taas-kilay na tanong ni Ysabel. “Ito na nga. Ano bang ginagawa ko?” Haharap sana si Kenjo sa kanila pero mabilis na hinila ni Ysabel ang kaliwang tenga nito. “Araaay!” “Nakita kita, Kenjo! Binu-bully mo na naman ang kakambal mo! At dahil d’yan, humanda ka sa akin!” sumbat ni Ysabel. “Aray ko, Ysabel! Tama na! Tama na! Sorry na! Hindi na mauulit,” depensa naman ni Kenjo. Tulad ng kakambal nito, halos maiyak na rin ito. Hailey cannot help herself but giggle in silence as she witnessed that scenario. She thought the relationship of the de Jesus twins might be childish but nonetheless cute.  - MATAPOS silang kumain ng tanghalian, tinanong ni Rovi kung nasaan ang ninang nila. Ayon kay Ysabel, umalis raw ito kasama ang mga amiga at mamayang gabi pa uuwi to celebrate her birthday with her apo.  “Ganoon ba? Iidlip lang muna ako,” sabi ni Rovi. “The usual room ba?” tanong naman ni Ysabel. Nang tumango ito, “How about your Hailey? Saan siya matutulog? O babalik din kayo ng Makati mamaya?” Inakbayan siya ni Rovi. “She’ll be staying with me, of course.” Tinuro ni Kenjo. “Wait, paano ako? Saan ako matutulog?” “Sa kabalyarisa ng mga kamukha mong kabayo,” hirit naman ni Rovi saka tumayo. “Ikaw? Gusto mo matulog?” Nakaramdam din siya ng antok kaya tumango siya at tumayo. Binitbit ni Rovi ang gamit nila na iniwan sa sofa saka sila sabay na pumanhik sa second floor. Their room was the second most on the west wing. Matapos ilapag ang gamit at hubarin ang sapatos, padapang sumalampak sa kama si Rovi saka humikab nang malakas. “Lock mo yung pinto,” utos nito sa kanya habang paupo siya sa kama sa tabi nito.  Bakas sa boses nito ang antok. “Kenjo would most likely barge in later, and him disturbing my sleep is the last thing that I want to happen.” Napangiti siya saka tumayo. “Cute n’yong magkambal, ha?” sabi niya habang nila-lock ang pinto. “Tell me, ganyan ba kayo—“ Natigilan siya nang makitang tulog na pala ito. Napakamot siya ng ulo. “Pangalawang beses mo na akong tinulugan.” Lumapit siya sa kama at humiga patihaya sa tabi nito. Then, she looked at his face. Hindi na naman niya mapigilang mapangiti.  Mas pogi ka talaga kapag tulog. She just stared at his face hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD