Chapter 1
Gabbie’s POV
After 4 years.....
“Mommy!”
“Mommy!”
Narinig kong umiiyak na sigaw ng baby kong si Gabelito. He’s already 3years old now. Marunong na siyang maglakad at magsalita. Napakadaldal niya rin. Manang mana sa mga ninang niya na kasama ko sa bahay.
“What happened? Why are you crying?” I asked concern while wiping his tears.
“Mommy *sob* ninang Ericka pinching mah cheeks again. She also said I’m a salot coz I’m kulot” umiiyak na sumbong nito. Dmn Ericka ang hilig niya talagang paiyakin yung anak ko.
“Don’t mind her baby, your ninang never had her boyfriend that’s why he’s jealous of you always” pagpaparinig ko sa kaibigan ko ng makita kong papasok ito ng kwarto namin.
“Hoy! Hoy! Narinig ko yon Gabbie ah! Anong konek? Duh di ki kailangan ng jowa kaya ko sarili ko” nakakunot noong sabi nito at umismid pa ang bruha. Ang cute lang niya pag nagagalit.
Bilugan ang mukha nito at may mahabang buhok na may kulay sa dulo. Ever since na lumipat kami dito sa Georgia hindi niya na pinutulan ang dating hanggang balikat niyang buhok kahit ang dating kulay nito ay hindi niya na binago.
Ang tanging nagbago lang dito ay ang katawan nito. Kung dati’y chubby ito na may bilugang katawan ngayon ay napakasexy na nito. Maliit ang tiyan, saktong laki ng hinaharap at napaka tambok na pwetan.
“Bitter, bugnutin palagi. Hahaha” asar ko
“Kahit hindi? Kaya ko sarili ko no di ko kailangan ng lalake sa buhay ko. I can dump them whenever I want” mayabang na saad nito. Na ikinatawa ko ng husto.
“Wow! HAHAHAHA sa pagkakaalam ko ikaw laging nirereject ah. Tamang nilandi lang tapos pag nafall, iiwanan na lang bigla” tumatawang sabat ng isang babaeng may hanggang balikat na buhok, matangos na ilong, mapupulang labi at may maliit na katawan pati ang height maliit din.
Pumasok na lang ito basta basta sa nakabukas na pintuan ng kwarto ko. Kahit kailan talaga walang pasabi at bigla bigla kung magpakita ang babaeng ito.
“Ninang Jezy!” Tumatalong sigaw ng anak ko bago lumapit sa Ninang Jezy niya.
Natawa ako lalo sa tinuran ni Jezy.
Totoo yon, laging nauudlot ang pagkakaroon ni Ericka ng boyfriend. Puro mga naging ka-m.u lang niya ang mga lalaking nanligaw sa kanya noon. Maganda naman siya at mabait pero gusto ata ng mga lalake ngayon yung mga easy to get.
Realtalk kung magsalita ito si Jezy. Kahit masakit ang mga sinasabi nito ay okay lang dahil totoo naman at yun ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. -sakanila actually dahil totoo silang kaibigan. Tanggap nila kung ano ako at ganun din ako sakanila kaya napakaswerte ko dahil nakilala ko sila at di ako nagsisising sila ang nakasama ko ngayon dito sa Georgia.
“Grabe ka ghorl. Di naman masakit. Konte lang HAHAHAHA” nagform pa si Ericka sa daliri niya kung gaano ka konte yung sinasabi niya bago siya tumawa at tumawa na din kami lalo. Napaka babaw man pero masarap sa pakiramdam na nagagawa naming maging masaya kahit sobrang stress na kami sa buong araw namin.
It’s good to have them on my back,
It’s a great feeling to see all of us finally smiling and laughing after all the heartaches that we experienced last 3years ago.
“Nga pala kamusta Final exam niyo?” Tanong ni Ericka kay Jezy.
“Ayun nakakadugo as usual. Tapos ang hirap pa, sakit sa ulo. Hindi ko nga alam kung makakapasa pa ako e”
Umupo ito sa kama ko at kumuha ng unan para yakapin. Si Ericka naman ay nasa maliit na sofa at prenteng nakaupo habang ako ay hindi pa rin umaalis sa upuan ng study table ko kandong ko na ngayon si Gabelito, napakakulit naman kasi ng batang ito.
Oo nga pala kahit 3years na kami dito sa Georgia hindi pa rin namin maiwasan na sumakit ang ulo sa mga exams dito or kahit sa mga quizzes ng University.
Hindi katulad sa Pinas na nagagawa pang magkopyahan dito ay napaka hirap dahil imbis na mangongopya ka mahihiya ka na lang. In the end magsisikap ka talagang magreview mag isa.
Which is really a good habit naman talaga kasi you’ll really learn from your own.
“Makakapasa yan. Tiwala lang graduating na tayong tatlo e” pag papalakas loob ni Ericka.
Oo nga pala graduating na kami. Magkakaiba yung course namin tatlo kaya minsanan lang kami magkita sa campus. Jezy Delgado took Education, Ericka Lee took Tourism course, while I took Marketing Management.
“Tiwala lang!” Sabi ko ng may ngiti sa labi.
“Ms. Jezy Delgado and Gabriela Heins if you’ll excuse me, maghahanda na po ako para sa part time ko. Enjoy rest ma’am HAHAHAH” tumayo na ito at nagpaalam sa amin para mag prepare na sa part time niya sa Mcdo.
“Loko loko talaga yun kahit kailan” nasabi ko na lang at nangingiting tumingin kay Jezy.
“Oh ikaw Jez? Wala ka bang duty ngayon sa bar?” Tanong ko dito ng makitang humiga na sa kama. Halatang pagod ito.
“Humingi ako ng restday sa manager ko sinabi kong exam week kasi namin. Ayun pinayagan naman ako” sagot nito na nakatakip ang isang braso sa mata.
“Eh ikaw ba? Hindi ka sasabay kay Ericka?” Dagdag tanong niya.
“Hindi sana pero dahil sinabi mong restday mo ngayon. Aalis muna ako may importante akong meet up sa about sa business natin ngayon. Ikaw muna bahala kay Gabelito ha?” Sabi ko sa kanya at tumayo na para mag ayos. Inilapag ko muna sa Gabelito sa kama bago kumuha ng tuwalya at damit na susuotin.
“Sige, mag iingat ka ha. Kung ano man yan bukas mo na sabihin sakin pagod na pagod pa ako baka wala pa din ako matulong sayo” nakapikit na saad niya at niyakap yung anak kong nakatulog na rin sa sobrang pagod.
Pumasok na ako sa C.R ng kwarto ko at naligo. Lahat kami may kanya kanyang part time. Jezy works as a part time bartender at the Bar while me and Ericka are working on a fastfood restaurant at Mcdonalds.
Nung nasa Pinas kami sa Mcdonalds na talaga kami nag papart time ni Ericka kaya natuwa kami nung matanggap kami sa Mcdo dito kasi hindi na kami masyadong mag aadjust sa work. Sa mga workmates na lang at customers.
Jez already has a history in bartending ‘cause her family own a bar in Manila and he was taught by her parents. All she got to do is to get a certificate and she already got it before.
After ko mag ayos ay nagpaalam na ako kay Jezy kahit alam kong tulog na ito. I kissed my son before leaving and wait for Ericka para sabay na kaming umalis.
“Who’s gonna use the car?” I asked as soon as I saw her went out of her room.
“Ikaw na lang muna. Mag momotor na lang ako. Alam mo namang hassle for me mag park ng sasakyan unlike sa motor” she said while ponytailing her hair.
Yeah, right this girl loves riding her motorcycle ‘cause it’s more convenient for her I just don’t understand how. Lol
“Okay. Ingat na lang” sabi ko bago pumunta na sa sasakyan namin.
After we bid our goodbyes. We already part ways and went to our agendas.
———————
Hii! Any comments? Thankyou for reading!