01:00

1005 Words
   Ley's  (/Lee's/) 01:00 "Online naman siya pero hindi niya man lang ako replyan."  Nag-papaint by numbers ako and I am really enjoying it kasi narerelieve yung stress ko sa trabaho. Ang ganda lang kasi ng mga pictures na kinakalabasan after ng masinsinang pag-aapply ng pintura.  Tinignan ko ulit yung cellphone ko baka naman may maligaw na reply ng girlfriend ko. Minsan hindi ko na nga alam kung may girlfriend pa ba siya.  Madaming nacu-curious sa relationship namin ni Elle, my 6 years girlfriend. They were curious how we managed to keep up with each other and are still "in-love" with each other after such a long time. I ain't going to line, it was a rough path, I really like to tell them our story because it brings back the reason why I still want to be with her.  Pero... Lately, nakakawalang gana dahil nagmumukha akong tanga na laging naghihintay ng mga texts niya na kadalasan hindi naman kailangan iimpose sakanya. I mean for a long time, hindi ba dapat automatic na yun? Simpleng good morning, kumain ka na ba? I was thinking, masyado na ba siyang bored sakin para hindi magawa yung mga simpleng texts na ganito?  But then, I really love her. Define love. It is HER.  Damn. (phone rings)  Mas mabilis pa sa paghinga ko na kinuha agad ang cellphone sa kama, thinking it was her.  I released a heavy sigh kasi si Abby lang pala.  "Hello"  "Hi Ley, are you free today? Sama ka samin sa Crossroads kakain lang tayo and unwind. Kasama sila Rick at Raze"  Ayoko man sumama dahil wala ng budget at baka magtaka si Elle kung bakit nasa labas nanaman ako ng bahay mas nanaig yung word na unwind ni Abby. "Okay sis, saan ulit, Crossroads? Mauna na ako doon. I'll wait you there."  Inayos ko na yung paint by numbers ko at naligo na at gumayak. Mabilis lang ako maligo, natutuwa talaga ako sa bagong kulay na buhok ko. Nagpaayos ako nung isang araw para sa monthsary namin ni Elle kaso baka masungitan lang nanaman ako kasi ang gastos ko nanaman daw. Hay, hindi man lang kinomplement.  Habang nagmamaneho ng sasakyan papuntang Crossroads, hindi ko mapigilang maisip kung gaano na kami kadistant ni Elle. She's busy with her work and family. We are in an LDR right now because she said that it's best kung matutulungan niya ang parents niya sa province nila.   Ano naman laban ko sa family ni Elle? Girlfriend lang naman niya ako na hindi pa masabi sa family ko na kami. I think sometimes she just wants to get rid of me kasi hindi ko siya kasing tapang na nakakapag-out at kahit pagbagsakan ng langit dahil sa galit ng magulang eh parang bula lang niyang inignore.  Hindi na natapos yung mga deep thoughts ko nang makarating na ako sa resto kung saan pag-get together at unwind kami nila Abby, Rick at Raze.  Sa laking gulat ko, may nauna na silang tatlo at may plus 1 na si Tom.  "Brad!" sigaw ko dito.  "Yow! Kamusta na?" sabi ni Tom.  Si Tom nga pala ang isa sa mga confidant ko sa work before na kaibigan din nila Rick. He's gay and so is Rick. Si Abby and Raze naman ay may boyfriend.  Sana all masaya, genuinely.  "Eto okay naman, surviving and still taken" pag-iingit ko dito.  "Wow naman, taken nga pero ang tanong, masaya pa ba?"  "Gagi, ang aga-aga aawayin mo nanaman ako"  "Seriously sis, ano ng balita kay Elle?" tanong naman ni Abby. Mukhang chismis trap to.  "Sis, okay lang siya. Busy lang yun sa work. Tsaka we give each other a good amount of space para hindi maumay sa isa't-isa."  "Oo nga Abby! Hindi porket hindi lagi naguusap it means na hindi na nya mahal itong si Ley. I know Elle, jusko college days palang, hindi pa man sila nangbabakod na ng mga manliligaw." patatangol ni Rick kay Elle. Sila kasi ang magkavibes noon sa mga kalokohan. Napapatawa nalang din ako ng mahina kasi a part of me is also fighting back kung bakit hindi na ganoon ka-caring si Elle. Alam mo yung minsan wala na talaga siya pakialam? Yung feeling mo na walang kumakalinga sa iyo? As a girlfriend syempre gusto mo din naman ng sweet days, not saying na everyday is a sweet day pero kahit papaano naman wag puro pait ang iparamdam sakin. Sana mahalaga pa ako sakanya.  "Wala pang reply. Ilang oras na ang nakakalipas, naglalaro ba ito?"  "Nilamon na ng Mobile Legends yang jowa mo sis." banggit ni Raze. Si Raze yung tipo ng kaibigan na minsan lang magsalita pero malakas ang meaning. Alam mo na may alam siya pero hindi niya ipapahalata sayo. Ganon! "Kaya nga eh ipapakain ko ML sakanya eh" sabay tawa ko para kunwari hindi ako apektado at okay lang sakin na ilang oras na ni hindi man lang nag gogood morning ang girlfriend ko.  Hindi ko na napigilan ang pagka-inip. Tumawag na ako. (calling Boo) "HELLO?!"  "Bakit ka sumisigaw?"  "Napipikon ako, mamaya ka na tumawag!?"  I broke down. I don't deserve this. Pang-ilang beses na ito, tatawag ako pero ang unang sagot niya sakin ay bulyaw minsan pa nga mura eh.  "Tumatiming ka pa kasi! Mamaya ka na tumawag or better yet mag-text ka muna bago ka tumawag!?" dagdag pa niya. "s**t" mahina kong bangit.  "Minumura mo ba ako Ley? Ina-ano ka ba? Pa-victim ka nanaman tangina ka!?"  Pinatay ko na bago pa maputol ang pasensya ko.  After the call nakita ko yung message niya. "Mamaya ka na tumawag, ako nalang tatawag, busy ako."  Lagi nalang ganyan ang sagot sakin.  Mamaya ka na tumawag. Busy ako. Teka lang In Game. Pwedeng mamaya nalang Boo kasi may inuutos sakin sila dad.  I'm still sleepy. Later nalang.  Quota na siya ng palusot sakin.  Ako naman itong si gaga puro OK.  Naluha nalang ako, yung tipong bagsak lang ng bagsak ang luha pero parang wala ng sound yung iyak ko. Siguro densed na ako. Siguro ito na 'yong araw na hindi ko na kaya~yata.  01:00  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD