"Her real name is Carmela Vince Bleserion. The heiress of Bleserion clan. Yeah babe, she's pretty rich, she's a Bleserion for fvck's sake. Ex wife of Zeref." Carmela's POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, natagpuan ko ang sarili ko na nasa hospital. Nilibot ko ang tingin ko at napako lang ito sa isang lalaking mahimbing na inunan ang kamay ko, napangiti ako ng wala sa oras. Hinaplos ko ang buhok niya, akala ko talaga hindi niya na ako lalapitan. Akala ko galit na galit s'ya sa akin. Thanks to him. Kinuha ko 'yung unan ko. Nilagay ko ito sa pwesto ng kamay ko 'saka ko duon nilagay ang ulo ni Dash. Kinumutan ko na rin s'ya, bumaba ako ng kama tapos nilapitan ko 'yung mga nakalatag na prutas sa mesa, kaya lang? Napangiwi ako ng hindi ko magugustuha

