Carmela's POV "What do you mean?" tanong ko habang nakakunot ang noo. Anong tawag niya sa'kin Vince? Mukha ba akong lalaki? Imbes na sagutin ako ni manang. Mabilis niya akong kinabig 'saka niyakap, ramdam ko 'yung pagkahumaling niya pero bakit? Do I know this old woman? Who is she? "Akala ko tuluyan ka nang namatay, Anong nangyari? Bakit buhay ka? Sinong nag ligtas sa'yo?" sunod-sunod na tanong nito pero kunot noo lang ako kasi sa parteng 'to, hindi ko na maalala. Ngayon ang naalala ko pa lang ay ang pagkaroon ko ng kapatid. 'Di kaya 'yung lalaking 'yun ay ang kapatid ko? For real? "Hindi ko alam manang, wala akong maalala," mahinang sagot ko 'saka ako bumuntong hininga. Pilit kong inaalala ang parteng 'yun pero walang pumapasok, naging blanko ang utak ko sa pagkakataon na 'to. "Ibig b

