Carmela's POV
"Hey Miss! Can I have your number?"
Napatigil ako sa pag hakbang nang may lalaking lumapit sa'kin. Agad namang tumaas ang kilay ko at mariin siyang tinapunan ng tingin ngunit ngumiti lang ito kaya't kapansin-pansin ang malalim nitong dimples. He's handsome, mukhang mayaman rin ang isang 'to. Pero hindi ko feel makipag-usap sa kanya, kung pwede lang mag walk out ginawa ko na, kaya lang, kabastusan naman 'yun.
"Wala akong cellphone eh," sagot ko sabay ngiti ng mapakla.
"Seriously Miss? Wala kang cellphone?"
"Wala nga! Siya alis na a..."
"Miss, name mo nalang?" tanong niyang muli, pero pasimple akong umirap sa hangin. Sa totoo lang nahihiya akong ibigay ang number ko kasi keypad lang po ang phone ko at 'di tulad ng kaniya na mala-Iphone.
"Hmmm... Alexandra Montera." sabi ko na kaagad niya namang kinangiti ng malaki.
Sorry Alex, sorry talaga. Hindi ka naman niya kilala kaya 'di bale ng pangalan mo ang ginamit ko, ayaw kong may nakakaalam ng pangalan ko kasi kinakabahan ako lalo na't 'di ko pa natukoy 'yung nag text sa'kin.
"Nice meeting you, Alex, I'm Sedrex Roswell." pakilala niya tapos umalis na ito papalayo sa'kin. Bakit? Pakiramdam ko alam niyang nag sinungaling ako? At ANO DAW? HE'S FVCKING A ROSWELL?! IS HE RELATED TO SENDRIX?!
Wala akong alam sa buong buhay ni Sendrix, pero isa siyang mayaman na lalaki at hinahangaan ng lahat, ang swerte na nga ni Alex eh, well pareho naman silang mayaman. Umaapaw lang talaga 'yung kay Sendrix, sa barkada kasi namin? Asawa ni Alex at Penelope ang sobrang yaman. Ako? Kailan ako yayaman?
Bumuntong hininga na lamang ako at akmang hahakbang na naman nang may humawak sa kamay ko, dahil duon napaharap ako.
"Who's that fvcking guy?" malamig na tanong ni Dash. Anong espiritu na naman kaya ang sumapi sa lalaking 'to?
"What do you care?" ayan napa english na ang lola niyo, malamang alam ko talaga mag english dahil graduating ako. Heller! Di porket mahirap 'di na marunong? Sadyang malas lang ako sa buhay.
"I'm asking you seriously, Carmela,"
"Tanungin mo na lang kaya 'yung lalaki 'bat mo pa ako iniistorbo? Sho! Layas magda-dive pa ako." mataray na saad ko 'saka ko s'ya tinulak ng bahagya. Pero bago 'yun? Kinindatan ko s'ya.
"See yah later!"
Tumakbo ako patungo sa dagat, hinubad ko ang shades ko at pinagmasdan muna ang buong paligid pero? Pansin ko lahat ng tao rito ay napatingin sa'kin. What the heck? Anong ginagawa ninyo?
Wala na akong pakialam dun, gusto kong magpa-lamig ngayon. Sabihan ko nalang mamaya si Dash na bukas na kami uuwi, gusto ko munang manahimik ngayon. Dahan-dahan akong sumampa sa dagat, sumalubong sa'kin ang masarap na pakiramdam. Sobrang lakas pa ng hangin na pati basa kong buhok ay tinatanghay din.
Binaling ko ang tingin ko kay Dash. Sumalubong sa'kin ang mukha nitong seryoso at sobrang lapit pa nang mukha niya.
"Dash! Paano ka nakarating dito?!" Natataranta kong singal. Pero ngumisi lang s'ya at hinawakan ang bewang ko sa ilalim ng tubig, damn it! Ramdam ko ang mainit niyang palad sa katawan ko. 'Di ako makagalaw ng maayos. Bakit mo ako ginaganito Dash? Papatayin mo ba ako ng maaga? This is torture boy!
"Sinundan ka malamang, para ka kasing hinuhubaran ng mga 'yan eh! Kung maka tingin sa'yo parang tanga!" iritado nitong sabi.
Kumunot ang noo ko.
"Ano ba ang pakialam mo! Ang dami mo talagang arte ano?"
"Sa'yo lang naman ako nag-iinarte." seryoso nitong saad tapos ngumuso pa, 'di ko tuloy mapigilan at nasapak ko ang mukha niya.
Kainis! Ang gwapo niya kasi sa paningin ko, namumula tuloy ang pisnge ko! Jusko! Sana malunod na lamang ako para e save niya ako at halikan. s**t! Kalandian ni Carmela level 220.
"Ewan ko sa'yo! Lumayo ka nga pwede? Gusto kong lumangoy eh,"
"I'll go with you then."
"Huh? Hm... Dash Zeref!"
Hinila niya agad ang kamay ko at sabay kaming lumusong sa tubig. Mahigpit niya paring hinahawakan ang bewang ko kaya't 'di ako makagalaw ng maayos. Ang landi talaga nitong si Dash eh. Kung 'di ko lang 'to kilala masasapak ko na 'to.
"Hooo it feels good!" nakangiti nitong sambit. Pagkatapos naming lumusong, ngayon ko lang nakitang ngumiti si Dash. At masasabi kong? Mas lalo siyang naging anghel sa paningin ko, sana naman araw-araw s'yang ngumingiti para ayos 'yung araw ko.
"Nakawin mo kaya ulit ang sperm ni Dash?"
Putragis!
Kaagad na umasim ang mukha ko nang maalala ko 'yung sinabi ni Alex sa'kin. Lumayo ako kay Dash at nauna nang umalis sa tubig, naging blanko ang utak ko. Paano kung walang mabuo? Uulitin ko na naman ba?
"CARMELA! Wait!"
Naalala ko 'yung sinabi ni Dash kagabi, pero sa tingin ko wala lang 'yun sa kanya dahil lasing s'ya ng mga oras na iyon. Sana nga totoo iyon kasi willing naman akong maging ina ng anak niya.
Hindi ko pinansin ang tawag ni Dash sa'kin, bigla kasing sumama ang pakiramdam ko. Pumasok ako sa room namin, hinablot ko ang robe na nasa kama at 'saka sinuot ito. Uminom ako ng tubig at pilit na pinapakalma ang sarili, kaya lang? Tila nahihilo ako. Sumasakit ang ulo ko, mahigpit kong hinawakan ang mesa tapos niligpit ko ang mga nakahain. Mukhang marunong ng mag luto si Dash ah? Bago pa kasi itong mga pagkain, baka pinaorder niya lang 'to?
Bakit ang sama ng amoy? Mas lalo tuloy akong nahihilo. Oh god! Not now please! Mag bihis muna ako ng damit at matulog, mawawala rin siguro ito. Talagang pagod lang ako. These days kasi wala na akong pahinga, tama na nga muna.
Kumuha ako ng damit sa bag ko. Umiikot na 'yung paningin ko pero pilit ko paring nilalabanan. Anong nangyayari sa'kin? Bakit ganito ang paningin ko? Sumasakit pa lalo ang ulo ko at iilang mga imahe 'yung pumapasok sa utak ko na 'di ko maintindihan kung para saan iyon?
Isang babaeng naka tayo sa rooftop, naka suot ito ng gown na pang-kasal, umiyak s'ya ng umiyak habang nag-iisa. Hindi ko lang malinaw ng maayos.
"I don't know what to do now.I'm really sorry, DZ, I'm really sorry. Hindi pa pala ako handa magpakasal. I hope you'll forgive me."
"I'm sorry...I'm sorry..."
Humagolgol ang babae. Tila nasasaktan talaga ito. Pero maya-maya pa? May lalaking nakatayo sa likuran niya at niyakap siya ng mahigpit.
"Everything's gonna be alright, Carmela .I'll chase you no matter what."
Tuluyan na akong sumalpak sa sahig.
What was that?
****