Kabanata 2.01

548 Words
Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang bigla akong katukin ni Sissa. Tumayo naman ako at binuksan ang pinto. "Maam, may naghahanap po sa inyo sa labas.." sabi nya kaagad nang buksan ko ito. "Sino raw ho?" kunot noo kong tanong. Kung si Angel naman ang naghahanap sa akin ay agad naman iyon kakatok mismo sa kwarto ko. "'Y-yung ex niyo po n-nasa baba... nagwawala po Maam. Tumawag na nga kami ng gwardya ei.. kaso makulit," pagsumbong ni Sissa sa akin. "What?!" Gulat na tanong tsaka tumakbo pababa. Nangangalaiti ako ngayon sa galit. At talagang ang kapal naman niya magpakita sa akin! Nakasalubong ko pa si Manang sa baba na mukhang nagtataka sa mga nangyayari. "Maam, si Sir Daniel ho ay nasa labas at nagwawala.." tumango naman ako kay Manang tsaka dire-diretsong lumabas. "Azumi!" Narinig kong sigaw nito nang makalabas ako. Nasa labas siya ng gate at hinahampas-hampas pa ang gate namin na akala mo kung sino. Mukha rin itong nakainom dahil parang wala siya sa sarili. Nang makita niya ako ay agad naman siyang sumigaw. "Oh, here you are my beautiful Girlfriend!" Anito tsaka ngumiti ng nakakaloko. "Mag-usap tayo ngayon." pautos niyang sabi na parang wala lang nangyari sa amin. "Why? May dapat paba tayong pag-usapan?" Inis kong saad sakanya tsaka humalikipkip. "Oo!" Mabilis niyang sagot tsaka galit akong tinignan. "Gusto ko malaman mo na lahat nang nakita mo saamin ni Freya ay hindi totoo." Parang gago niyang saad. What the f**k? Ginagawa nya ba akong tanga? "So, sinabi mong sinungaling ang mismong mata at tenga ko, hah?" Sarkastic kong gatong sakanya. "Listen-" hindi ko na siya pinatapos. Masasayang lang oras ko sa walang kwentang paliwanag nyang gagawin. I know na gagawa lang siya ng alibi kaya mas mabuting kung hindi ko na lang sya patapusin kasi lahat naman ng sinasabi niya ay puro kasinungalingan. "Don't be scandalous here!" I said angrily. "Tsaka wala na tayong dapat pag-usapan pa dahil tapos na tayo! Pagod na akong makinig sa mga dahilan mo na bulok dahil kahit ano pa ang gawin mo hindi mo na mababago pa ang desisyon ko. Sapat na sa akin kung ano ang nakita at narinig ko." Mahaba kong paliwanag. "NOW GET OUT! SINAYANG MO 'YUNG TIWALANG BINIGAY KO SAYO. SINAYANG MO! UMALIS KANA, AYOKO NA KITANG MAKITA DITO!" Galit na bulyaw ko sakanya na agad naman nyang kinapula. Mabuti nalang at dumating na ang mga gwardya at agad siyang dinampot. Nagsisisigaw pa siya habang hinahatak sya ng mga gwardya ngunit wala naman siyang nagawa kundi ay sumama. Mabuti na rin iyon dahil simula nung ginawa niyang magloko sa akin ay hindi sakit ang nangunguna sa puso ko kundi galit. Naiinis ako sa ginawa niyang pagpunta pa rito. Ano pa ang dahilan at bakit siya nandito? Tapos na kami matagal na simula nung may nangyari sakanila ni Freya. Nakipagbreak na ako. Papasok na ako sa loob nang may bigla nanaman pumindot ng doorbell. Inis ko naman iyon binulyawan. "Ano ba? Hindi ba't sinabi ko ng umalis kana?!" Naiirita kong wika tsaka nilingon iyon. Agad naman nagbago ang ekspresyon ko at napalitan ng seryoso nang makita ko kung sino ang taong nagdoorbell. "Why are you here?" Seryoso kong tanong sa taong hindi ko inaasahan na pupuntahan ako rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD