Chapter 1

2122 Words
“Morning din, kumusta dito?” magiliw na tanong ni Jaxine sa mga ito. “Okay naman kami, ma’am,” sagot ni Aling Tinay sa kanya. “Mabuti kung ganun. Tandaan, bawal ma stress kasi kung ma-stress tatanda kaagad,” biro ni Jaxine sa mga ito. Nagtawanan ang lahat sa biro niya kaya natatawa na rin siya. Naisipan niyang tulungan ang mga ito sa pag-repack ng banana chips. “Naku, ma’am. Kami na dito,” agaw ni Aling Tinay sa plastic na hawak niya. “Okay lang, aling Tinay. Kaya ko naman. Dati ako lang naman ang gumawa nito,” nakangiting wika ni Jaxine dito. “Sigurado ka, ah? Baka masugatan ka,” paninigurado nito sa kanya. “Oo naman. Ako pa ba?” Balik tanong niya dito. Tumango na lang ai Aling Tinay sa kanya at hinayaan siyang tumulong sa kanila. Nag-enjoy naman si Jaxine sa ginagawa kaya hindi na siya sinita pa ng mga kasama niya dito sa factory. Napangiti na lang si Jaxine kung paano magsimula ang negosyo niyang ito. Bata pa lang siya ay tinulungan niya ang nanay Cornelia sa pagre-repack ng mga banana chips at polvoron. Mahirap lang ang buhay nila kaya kayod kalabaw ang mga magulang nila para lang maitaguyod ang pag-aaral niya. May maliit silang sakahan ng saging sa probinsya at saging ang pangunahing kinuhaan nila ng source of income kaya nama ay pinahalagahan nila ito. Minsan kapag walang bunga ang saging nila ay bumili ang nanay niya ang harina sa palengke upang gawing polvoron. Hindi naman nahihiyang magdala ng mga banana chips at polvoron si Jaxine sa paaralan para ibenta sa mga schoolmates at mga kaklase niya. Kaya dala-dala niya ang ugaling ito mula elementarya hanggang siya ay tumungtong ng college. Kaya ng makapagtapos siya at makapag trabaho ay nag-ipon talaga siya para magkaroon sila ng pwesto para dito. At sa awa ng Diyos ay natupad ang lahat ng nais niya. Kaya ito siya ngayon may sariling factory na para sa paggawa ng mga ito. Nag-resign na din siya sa kumpanyang pinagtrabahuan niya. Hindi naman kalakihan ang kita niya dahil may pinapasahod siya pero masasabi niyang kasya na sa pang-araw-araw na kailangan niya at ng pamilya ang kita ng factory kada araw. At masasabi niyang may sariling pera na ang factory na ginagamit niya kapag kailangan na hindi kukuha mula sa sariling bulsa niya. “Nga pala, ma’am. Dumaan kanina si Andrius. Hinahanap ka,” sabi ni Aling Tinay sa kanya. “Bakit daw?” Tanong ni Jaxine. “Wala naman daw. Na-miss ka daw niya,” sagot nito. “Ayeee, na-miss mo din ba siya, ma’am Jax?” Tukso ni Jella sa kanya, ang isa sa kasama ni Aling Tinay sa pag-repack ng mga banana chips. Natawa naman si Jaxine sa birong yon ng dalaga. “Kayo talaga. Kung ano-ano na lang ang sinasabi nyo na hindi naman totoo,” Anya ni Jaxine sa mga ito. “Bagay naman kasi kayo, ma’am. Gwapo siya, maganda ka. Panigurado kapag kayo nagkatuluyan ay talagang gwapo at maganda din ang lahi nyo,” sabi pa ni Jella. “Alam nyo? Ang taas ng imagination nyo. Sa sobrang taas di ko maabot,” sabi ni Jaxine. “Oh, kaya naman ay sa sobrang taas, nahulog ka sa kanya,” dagdag pa ni Jella. “Ayeee,” tukso ng lahat na narito. Natatawa na napailing na lang si Jaxine. “Oh, sya, tama na yan baka kung saan pa tayo maabot dito at wala na tayong matapos na gawain,” pigil niya sa mga ito. Buti na lang at sumunod naman sa kanya ang mga ito, pero hindi pa rin maiwasan na may mga nagbibiro pa rin kung ano-ano kaya napailing na lang si Jaxine. Sanay na rin naman siya sa mga ito. Walang araw na kapag bumisita siya dito ay hindi nawawala ang mga biro nila. Kaya maingay tuloy sa loob ng factory nila. Maya-maya ay may biglang sumigaw mula sa pintuan ng planta. “Guys, may food delivery rider na dumating. Sinong nagpa-deliver?” Tanong ni Mang Ruben ang guard nila na nakabantay sa labas. Nagkatinginan naman ang mga kasama ni Jaxine at sabay umiling. “Oi, di ako ang nag-order,” sabi agad ni Jella “Mas lalong hindi ako. Wala nga kaming makain sa bahay. Magpa-order pa ako?” sabi naman ni Aling Tinay. Natatawa na lang si Jaxine sa kanila. “Wag na kayong mag-away. Akong ang nag-order,” agaw ni Jaxine sa eksena. “Ma’am?” Sabay na napatingin sa kanya ang mga kasama niya. Ngumiti ang siya at tinngo ang pinto saka inilabas ang wallet niya. “Mang Ruben, saan si Kuya rider?” “Nasa labas, ma’am,” sagot ni Mang Ruben. “Sige po, samahan mo ako para may katulong ako,” sagot ni Jaxine sa guard. Sinamahan nga siyang huli. Sabay silang lumabas at hinarap ang delivery rider saka nagbayad. Medyo marami ang ini-order niya kaya kailangan niyang tulong para magbuhat ng ibang order. “Salamat po, kuya,” sabi ni Jaxine matapos makabayad. “Walang anuman po, ma’am,” sagot nito. “Malapit na ang lunch time, kumain ka na po?” Tanong pa ni Jaxine dito. Napakamot naman sa batok ang rider. “Hindi pa po,” nahihiyang sagot nito. “Ganun ba? Sige,” sabi ni Jaxine at kinuha ang isang lunch pack mula sa sinidlan ng order niya. “Ito, kuya. Sayo na po. Happy lunch time po.” “Ay hala, ma’am. Hindi na po kailangan. Dadaan na lang po ako sa karinderya,” tanggi ng rider. “Hindi, kuya. Para sayo talaga yan. Isa pa, malayo pa ang city dito baka magutom ka sa daan,” sabi pa ni Jaxine. “Salamat, ma’am,” sabi ng rider at tinanggap ang ibinigay niyang order galing sa Mang Inasal. “Walang anuman. Gusto pasok ka muna par makakain ka ng maayos?” Offer ni Jaxine dito. “Hindi na ma’am. Dito ko na lang kakain,” sagot ng rider. “Sigurado ka?” Tanong pa ni Jaxine. “Opo,” sagot nito. “O, sige. Pasok na kami. Di ka na namin pipilitin,” sabi ni Jaxine. “Salamat po,” sagot nito. Tumango lang si Jaxine at binalingan ng kasama niyang guard. “Tara, Mang Ruben, baka nagutom na din sila sa loob.” Nang tumango ang huli ay nagsimula na siyang maglakad pabalik sa loob ng factory. Ngayon kasi ang birthday ng nanay Nelia niya. Gusto niyang ipaghanda ito para naman makadalo ang mga kapitbahay at empleyado niya kaya lang tumanggi ang nanay niya. Ayon dito, gastos lang daw yon. Saka, baka sabihin ng mga kapitbahay na porket umangat ay may pabongga bonggang birthday pa para lang ipamukha sa kanila na angat na sila sa buhay. Ayaw naman niyang ma-stress pa ang nanay kaya ito siya ngayon nag-take out na lang para walang hassle pa. Mamaya sa bahay ay may konting salo-salo silang pamilya lang para sa kaarawan nito. Ang kapatid niyang si Dave ng inutusan niya na mag-order para sa birthday nito. “Let’s eat, everyone!” Sigaw ni Jaxine nang makabalik sila sa loob. “Wow! Grasya!” Kanya-kanyang sigaw ang mga empleyado niyang makita ang dala niya. “Mang Inasal? Susko, tagal ko ng gustong kumain nito. Thank you, Lord.” Napa-sign of the cross pa talaga ang babae. Natatawa na lang si Jaxine habang inisa-isang inilabas ang order sa table. “Anong meron at nag-order ka ng ganito?” tanong ni Aling Tinay. “Birthday ni Nanay. Ayaw niyang maghanda kami ng bongga, kaya take out na lang” sagot ni Jaxine. “Kaya pala,” tumatangong wika ni Aling Tinay. “Ma’am, thank you sa libre,” sabi naman ni Jellaat at nagsunuran ng nagpapasalamat ang iba. Nakangiting tumango lang si Jaxine at Nakikain na rin. Na-miss din naman niyang kumain ng Mang Inasal kaya ito ang ini-order niya para dito sa factory. Pasasalamat na rin niya ito sa mga empleyado niya dahil napadali ang trabaho dahil sa kanila. Buti na lang talaga at lumago ang negosyo niyang ito kaya napatayo niyang factory na ito. Thank you sa pagkain, ma'am Jaxine,” sabi ni Aling Tinay. “Kaya ka laging bless dahil hindi ka madamot. Ang swerte namin na dito kami nagtatrabaho.” “Salamat din sa inyo. Dahil sa inyo mapadali ang trabaho ko. Hindi ko kaya na mag-isa lang ako. Baka abutin ako ng siyam-siyam bago ko mabebenta ang lahat. And worst, baka naabutan na lang ng expiry di pa nabenta,” pabirong wika ni Jaxine. “Si ma’am Jaxine talaga palabiro,” sabi ni Boboy. “Syempre, ma’am, blessing ka sa amin. Hindi na namin kailangan na pumunta pa ng city para magtrabaho. Ilang lakad lang bahay na namin. Marami pang benepisyo.” “Tama,” sang-ayon ng pa ng iba. Napangiti naman si Jaxine sa mga sinabing yon empleyado niya. Ang factory kasi niya ay malayo sa city. May nirentahan ang siyang building sa city upang doon I display ang banana chips at polvoron na galing dito sa factory niya. Tapos may mga malaking tindahan ang direktang sinuplayan nila ng mga gawa nila. I delivery na lang nila kapag oras na. At sa likod ng factory building nila ay ang maliit na plantasyon ng saging kung saan galing ang supply nila na saging. Kadlya halos kalahati ng mga trabahador niya ay taga dito rin maliban sa mga empleyado niya sa opisina niya. “Kayo talaga, binobola nyo pa ako,” sabi Jaxine. “Mabuti pa, kumain na kayo baka maubusan kayo. Kasalanan ko pa. Baka bawiin nyo lahat ng sinabi niyo kanina. Kanya-kanya namang kuha ang mga empleyado niya ng pagkain kaya kumuha na rin siyang kanya. Masaya nilang pinagsaluhan ang order niya hanggang sa matapos silang kumain. Ilang oras pa ang tinatagal niya sa factory bago siya nagpaalam na babalik na sa opisina niya. “Bye, ma’am. Salamat sa pagkain,” paalam ni aling Tinay sa kanya. “Bye. Ingat kayo dito. Bibisita uli ako pag may pagkakataon,” sabi ni Jaxine. “Okay, ma’am. Ingat ka rin,” sabi ni Jella. Ngumiti lang si Jaxine at sumakay na sa Cherry Tiggo niya na sasakyan. Isang busina lang ang ginawa niya bago minaniobra ang sasakyan pabalik sa city kung saan ang opisina niya. Two storey building ang nirentahan niyang building sa city. Sa 1st floor ay ang sales team kasama ang mga naka display na banana chips at polvoron. Sa 2nd floor ay ang opisina niya kasama ang admin at accounting department. “Hi, ma’am,” bati ng ilang empleyado niyang makapasok siya sa loob. “Hello, Kinain nyo ba ang order kung pagkain para sa inyo?” Tanong niya sa mga ito. “Yes, ma’am. Tapos na po,” sagot ng isa. “Good. Sa opisina lang ako,” paalam niya sa mga ito. Diretso siyang umupo sa swivel chair niya. Matapos niyang makarating sa loob. Agad niyang ini-on ang monitor niya sa harap. Simulan na sana niyang trabaho niya nang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon niya. Kinuha niya ito at tiningnan kung anong meron. Napangiti siyang makita ang message ni Andrius sa kanya. Agad niya na ini-open ang message nito. “Hi,” basa niya sa mensahe nito. “Lunch?” Nagtipa siyang sagot para dito. “Done.” “How about dinner?” Reply nito. “Pass. Birthday ni Nanay. Sa bahay ako kakain mamaya,” reply din ni Jaxine. “Awh, sad naman si ako, walang kasama…” sagot naman nito sa mensahe niya. Halos matawa pa si Jaxine dahil nag-send pa talaga ito ng sad emoji. Napailing na lang si Jaxine. Kung nasa harap lang niya ay nabatukan na niyang binata. Nagtipa na lang siya ng reply para dito. “Gago. Wag ka nang malungkot. Dinner tayo sa susunod na araw,” sagot niya. “Yes! That's a promise, ah?” Sagot naman nito. “Oo nga,” reply niya sa binata. “Oh, sya, magtrabaho na ako. Wag kang distorbo Busy ako. Kita na lang tayo sa susunod na araw.” Isang salute emoji lang ang reply ng binata kaya napangiti na lang si Jaxine. Inilapag niya cellphone sa mesa at sinimulan na niyang trabaho niya. Hindi na niya namalayan ang oras at alas cinco na pala. Kung di lang siya kinatok ng isa sa mga empleyado niya ay hindi niya Malaman na uwian na pala. Mabilis niyang ini-off ang monitor matapos I-save ang mga ginagawa niya at niligpit ang mga gamit niya. Nang sa tingin niya ay wala na siyang nakalimutan ay agad siyang lumabas sa opisina at tinngo ang sasakyan niya para makauwi na. Plano pa naman niyang na dadaan sa bake shop para makabili ng cake para sa nanay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD