“I’m not supposed to do this but I’m sorry,” ani ni Lorelay habang tahimik na dumaan sa isang iskinita kung saan maraming tao ang nagsiksikan. Parang pro na kinuha niya ang pitaka ng isang ale na hindi man lang siya namamalayan. Parang hangin ang bawat kilos ng paa na sa isang pikit ay parang naglaho siya bigla. Mabilis siyang nakapagtago. Agad niyang kinuha ang pera sa pitaka at iniwan ang ibang laman sa kalsada. Malayo ang lugar na ito sa bahay nila ni Mr. Shein. Aabutin ng pitong oras ang byahe. Nasa malapit na ospital lang ang anak niyang si Harmonia at ito ang dahilan kung bakit nandito pa rin siya. “Pasensya na po, alam niyo ba kung saan ang pinakamalapit na ospital dito?” Agad na itinuro ng ale sa kaniya ang lugar kung saan naroon ang maliit na ospital sa lugar. Tumango si Lorel

