“Wife,” inaamoy ni Mr. Shein ang balikat ko habang nasa sala kami nanonood ng palabas. Nasa sahig ang tatlo naming anak at tutok na tutok sa Tarzan. “Stop saying it. Masisiko talaga kita!” Bulong ko sa kaniya. “Mamaya,” bulong ulit nito. “Magtigil ka nga!” He’s horny. Kailan ba ito hindi naging horny? Jusko talaga. Minsan napapa sign of the cross nalang ako sa asawa ko. “Quickie,” “Pa, stop talking. You’re disturbing us.” Reklamo ni Sico na kahit hindi nakatingin sa amin ay alam kong nakakunot ang noo. Pinandilatan ko siya ng mata. Heto na. Nag ri-reklamo na itong anak niya. Hindi ba siya nahihiya? Nag pout siya at sumandal sa sofa. Parang postora ng spoiled brat. Hindi niya masabi ng direkta dahil alam niya kung gaano ka sensitibo ang tenga ng mga anak niya. Akala ko ay titigil

