This would be fun. Nakangiti si Lorelay habang pinapanood ang kinakabahang si teacher Han na tumatakbo papaalis ng bahay nila kasunod nito sina TG, Richmoon at Lee. “Hey! What was that?” tanong ni Zee na nalilito at walang ideya sa nangyayari. Si Teacher Han ang nakita ng mga bata noon kasama ni Vicente sa mga puno. Inakala ni Vicente na lalaki dahil sa balot ito at may sigarilyo pa sa kamay. But the twins are certain that it was teacher Han kaya sinabi nila ‘yon kila Lorelay kaya noon pa lang nagdududa na sila dito. “I don’t know. Sabi ko lang naman nakita siya ng mga bata na naninigarilyo. Wala namang nakakatakot doon. Women can smoke. Wala iyon sa gender.” Ngumiti si Lorelay kay Zee at nagpaalam. Nagkatitigan si Zeebal at Veron na mukhang naiintindihan na ang nangyayari. Umalis si

