“Hey pa,” pumasok si Sico dala ang skate board niya. Kagagaling niya sa labas at tagaktak pa ang pawis sa noo. Lumingon sa kaniya si Mr. Shein at ibinaba ang dala nitong laptop. “Saan ka galing?” “Just past time,” aniya at kumuha ng tubig sa ref nila. Past time, You mean, skate boarding at ubusin ang pera sa pagkarerahan? Mr. Shein wanted to say that but opt not to. Day by day, sumasakit ang ulo niya dahil sa mga anak niya. I wish you were here wife. Sico and Rico give me a headache. Napapainom nalang siya ng tubig sa katigasan ng dalawa. “Don’t leave at 3 pm. Sasama kayo kay Richmoon for your weekly training.” Tumango si Sico at tinignan ang relo sa kamay niya. “May isang oras pa ako, pa.” Sabi nito at tumakbo papalayo. Napailing nalang si Mr. Shein at bumalik sa study table niya.

