"Tang.ina!" Hindi na mabilang ni Zee kung ilang santos na ang natawag niya sa ibaba sa kaniyang isipan. Kanina pa siya nagmumura dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Lorelay. Nasa sasakyan siya ngayon kasama si Sico na naiinip na. Hindi niya alam kung bakit lumabas sila ng daddy Zee niya sa mall. Tinawagan ulit ni Zee si Lorelay, and this time, sinagot na nito. "WHERE THE HELL ARE YOU?" "Zee, palabas na kami. Nakasulubong ko si Mr. Shein kanina, buti hindi niya ako nakita." "Are you safe now?" kinakabahan si Zee dahil natatakot rin siyang oras na malaman ni Mr. Shein ang tungkol kay Musico at Lyrico, mawawala na ng tuluyan ang mag-iina sa kaniya. "Palabas na kami. Nakita ko na ang sasakyan mo." "Sico, stay here. Huwag kang lalabas ng sasakyan dahil may bad guy sa labas." Ani ni

