ROCKY Napangiti ako nang makita ko ang mukha ni Diana na galit na galit na parang kainin ako nang buhay. Hindi ko lang kasi talaga mapigilan ang damdamin ko sa sobrang saya. Kahit na nasa loob ang anak namin at may dengue. Hindi ko mapigilan makaramdam ng saya dahil nakita ko na siya at ang aking mga anak. Pero bago niya pa ako bogahan ng apoy, sinara ko na ang pinto ng emergency room. Saka sumunod sa Medical laboratory technician. Pagpasok ko sa emergency room katabi ng isang nurse at Doktor si Roxzelle. Nakapikit si Roxzelle, at ang putla ng kanyang mukha at labi. Nang makalapit ako sa kanya hinawakan ko ang kanyang kamay. Gustong-gusto ko na siyang yakapin ngunit natatakot ako na baka umiyak siya dahil ayaw niya sa akin. Ramdam ko nuon n'ong nasa bahay ako ni Aling Rosa may tampo an

