THIRD PERSON "Sweet heart, i miss you! Where are you? Please bumalik ka na, I'm really sorry. I'm sorry sweetheart for what I did. Please come back to me." Wika ni Rocky habang yakap niya ang kumot at unan ni Richel na gamit nuon habang nasa mansyon pa ang dalaga. Nasa loob siya ng kwarto ni Richel na tinutulugan noon. Lahat na mga gamit ni Richel nasa loob pa rin ng kwarto. Hindi niya pinalabhan ang kumot at unan ni Richel dahil naiwan pa ang amoy ni Richel sa kumot at unan. Pinapalisan niya palagi para na kapag bumalik si Richel malinis ang kwarto. Simula nang umalis si Richel, hindi na rin pumupunta si Rosa sa mansyon. Kaya tumatawag nalang si Madam Ricka sa agency tuwing linggo para magpalinis ng kanilang bahay. "I miss you, Sweetheart." Sambit ulit ni Rocky. Kahit anong hanap niya

