RICHEL AFTER TWO YEARS Ang bilis lang ng araw, linggo, buwan at taon. Ngayon dalawang taon na ako'ng nag ta-trabaho sa mansyon ng mga Lorilla. Nakapag aral na rin si Jen-jen at Let-let dahil sa TESDA. kaya ngayon nasa grade 9 na sila pareho. Si Met-met ay nasa grade 4 na at si Ton-ton ang grade 2. Naging maayos ang buhay namin kahit papano. Hindi na rin naglalaba si Nanay dahil kasya na sa kanila ang pinapadala ko na 20 thousand kada buwan. Kaya lang namatay si Tatay n'ong nakaraang taon dahil sa sakit. Nagbago na nga siya, kaso lang kinuha naman siya kaagad ni Lord sa amin. Wala na rin kaming balita kay Tiya Melinda at Tiyo Kalbo. Isang beses daw pumunta si Tiya Melinda sa bahay pero kaagad na siyang pinalayas ni Nanay. Pinagbantaan pa siya ni Nanay na itakin kaya umalis kaagad si Tiy

