RICHEL "Happy birthday Ate." "Happy birthday Anak." Magkasabay na bati ni Nanay at ng mga kapatid ko, nang sinagot nila ang aking tawag. Maaga ako'ng nagising upang tawagan sila. Ngayon 16 years old na ako. Pero ang pagkakaalam ni Sir Rocky ay 18. "Maraming salamat sa inyo. Masaya ako ngayon dahil kahit magkalayo tayo, parang kasama ko pa rin kayo." Masiglang sabi ko sa kanila. "Ate, magluluto kami ng spaghetti, bihon, manok at baboy. Saka bumili din kami ng cake mo Ate. Ate marami na kaming handa para sa iyo." Wika ni Jen-jen. "Wow, maraming salamat. Pero kahit hindi na kayo mag handa. Ay okay lang pala, kasi marami kayong makain. Mamaya daw pupunta din dito si Nanay Rosa at ipagluto niya daw ako mg biko." Masayang sabi ko sa kabilang linya. "Ang bait talaga ni Rosa. Pakisabi sa k

