RICHEL/DIANA 28 "Wow, Ate ang ganda niyo po! Kung maganda ka dati, mas naging maganda ka ngayon Ate. Bagay ang ganda mo sa pangalan mo." Magiliw na sabi ni Jen-jen. Isang linggo matapos ang surgery ko sa mukha. Ngayon naman ang araw na kinuha na ang plaster sa aking mukha at siya ang kasama ko sa ospital. Nandito naman si Nanay at mga kapatid ko bago ako dinala sa loob ng operating room hanggang kahapon. Pero pinauwi ko na sila kagabi para makapag pahinga na sila ng maayos dahil hinihintay ko lang naman makuha ang takip sa mukha ko, pagkatapos pwedi na rin kami makauwi ni Jen-jen. Nakangiti si Doktora VillaLobos pagkatapos makita ang buo ko'ng mukha. Binigay ni Jen-jen ang salamin sa akin upang makita ko rin, kung naging successful nga ba ang pag-iba ng aking totoong mukha. Sinabi ko na

