RICHEL "Maraming salamat Nay, Tay. Ang saya ko po talaga ngayong araw. Parang ngayon ang birthday ko po." Masayang turan ko pagkatapos namin mamili ng mga gamit ko sa divisoria. Unang beses ko maka bili ng maraming damit lalo na panty at bra. Ang mura lang ng mga bilihin kaya hindi naubos ang dalawang libo ko. "Walang anuman Anak. Halika na kumain tayo sa Jollibee para advance birthday celebration mo. Kami ang magbayad ni Berting. Gift namin sa iyo." Yaya ni Nanay Rosa. Tumango ako saka humawak sa kanyang kamay. Kabilang kalsada lang naman ang Jollibee. Nakaakbay naman si Tatay Berting kay Nanay Rosa tuloy parang anak talaga nila ako. Hindi mawala wala ang ngiti ko sa labi hanggang sa nakapasok kami sa loob ng Jollibee. Unang beses ko'ng nakapasok dito kaya sobrang saya ko talaga. Umupo

