ROCKY "F**king s**t!" Malakas ko'ng sigaw sa loob ng opisina ko habang pinagtatapon ko ang gamit sa ibabaw ng mesa. Isang linggo mula nang may nangyari sa amin ni Richel at pinalayas ko siya. Nakunsensiya ako sa ginawa ko sa kanya lalo na kay Precilla kaya isang linggo ko na rin hindi kinausap si Precilla. Naguguluhan ako dahil parang mas iniisip ko pa si Richel kaysa sa fiancee ko. Hindi mawala sa isipan ko kung gaano siya na saktan sa mga sinabi ko sa kanya. Ang gago ko na parang binayaran ko siya sa kagaguhan na ginawa ko sa kanya. Dahil ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit may nangyari sa amin dalawa. Tiningnan ko ang kuha ng CCTV camera sa kwarto at kitang-kita ko kung paano ko siya halikan at angkinin ng dalawang beses kahit nagpupumiglas pa siya n'ong una. Isang linggo na

