CHAPTER SIX

1040 Words
RICHEL "RIchel bakit ang bagal mo? Plantsa lang hindi ka pa marunong gumawa. Ang aga-aga nakaka bwesit ka. Alam mo ba iyun? Wala ka ba talagang alam na trabaho?" Singhal ni Tiya Melinda. Hindi ko mapigilan na tumulo na naman ang aking luha. Nang hiklatin ang damit sa aking kamay. Pagkatapos niyang kunin ang kanyang damit na pinaplantsa niya sa akin tumalikod na siya pabalik sa kanyang kwarto. Dalawang buwan na ako dito sa Manila. Ang akala ko na magbago ang buhay ko at makapag trabaho para matulungan ang mga kapatid at si Nany ay hindi pala. Dahil mas lalong mahirap ang buhay ko dito pagdating ko sa Manila. Hindi naman pala totoo na may trabaho ako dito sa Manila. Kundi ginawa lang ako'ng katulong ni Tiya. Hindi din ako nakatawag kay Nanay dahil ayaw niya ako'ng pahiramin ng cellphone. Saka wala din ako'ng sahod galing sa kanya. Sinumbat niya ang dinala niya nuon sa amin, ang binigay niya kay Nanay na tatlong libo bago kami tumungo dito sa manila at ang pamasahe ko daw. Kaya wala daw ako'ng sahod hanggat hindi ko mabayaran ang lahat ng iyun. Tiniis ko nalang dahil wala naman ako'ng alam sa Manila saka natatakot ako'ng umalis baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Na baka kung maglayas Ako, mangyari sa akin ang katulad sa mga pinapanuod ko na ginagahasa muna bago patayin. Pinunasan ko nalang ang luha ko saka pumunta na sa kusina para hugasan ang pinagkainan nila ni Tiyo. Namamasada si Tiyo Kalbo ng dyep. Habang hindi ko alam ang kung ano ang trabaho ni Tiya. Minsan nag ta-trabaho pa siya sa gabi. At madaling araw kung umuwi, minsan nga hindi pa. Wala pa rin silang anak. "RIchel baka kukupad kupad ka mamaya sa paglilinis dito ng bahay kapag Ikaw nalang mag-isa. Saka hindi ako makauwi mamaya. Kaya siguradohin mo na malinis ang bahay pagbalik ko bukas. Baka ang Tiyo Kalbo mo gabi na rin uuwi. Kaya huwag mo na siyang hintayin." Bilin ni Tiya Melinda sa akin. "Opo Tiya." Sagot ko habang patuloy sa paghugas ng mga plato. Ang pinagpasalamat ko lang dito ay may pagkain. Kahit ang ulam mga hanggang tatlong araw ng naluto ay okay lang. Pero ang iniisip ko talaga si Nanay at mga kapatid ko. Baka sobra na silang nag-alala sa akin. "Panginoon sana nasa maayos lang si Nanay at mga kapatid ko. Ikaw na sana muna ang bahala sa kanila. Maraming salamat po." Panalangin ko sa panginoon. Pagkatapos ko'ng maghugas ng mga plato at linis ng kusina. Nagsimula na akong maglinis sa sala at sa buong bahay. Pagod na pagod ako hanggang matapos ko ang lahat na gawain. Alas singko ng hapon nakaramdam ako ng gutom kaya nagluto ako ng noodles at nilagang itlog. Pagkatapos ko'ng kumain, nanuod muna ako ng tv. Alas siete ng gabi nakaramdam na ako ng antok, kaya pinatay ko ang tv. Sinigurado ko muna na naka lock ang pintuan. May susi naman si Tiyo Kalbo kung sakaling uuwi siya. Pagkatapos masiguro na naka lock ang lahat na pintuan pumunta na ako sa aking silid. Pagkahiga ko, pagkatapos ko'ng magdasal. Kaagad na rin ako'ng nakatulog. Naalimpungatan ako sa mahimbing ko'ng pagtulog ng may naramdaman ako'ng parang may humahaplos sa aking hita. Kaya napabalikwas ako ng bangon. Ganun nalang ang paglaki ng mata nang si Tiyo Kalbo. Lasing na lasing siya. Bumaba ako sa kama saka sumiksik sa dulo ng kama. "Tiyo bakit kayo nandito? Anong ginagawa mo, Tiyo? Lumabas na ho kayo dito. Hindi po ito ang kwarto niyo ni Tiya Melinda." Kinakabahan ko'ng sabi. "RIchel, baka pagbigyan mo ako. Wala nang oras ang Tiya mo sa akin. Ang bango mo iha at batang bata. Hindi naman malaman ng Tiya mo. Kaya pagbigyan mo na ako." Sa takot ko sa kanyang mga sinabi hinawakan ko ang base ball bat sa tabi ng aking kama. N'ong isang araw habang naglilinis ako sa likod bahay nila Tiya. Nakita ko ang base ball bat. Kaya naisipan ko na dalhin sa kwarto. Minsan kasi mag-isa lang ako sa bahay, kaya pumasok sa isipan ko na kailanganin ko ang baseball bat kung sakali. Dahan-dahan na lumapit si Tiyo sa akin. "Tiyo, lasing ho kayo. Saka mali ang gagawin mo Tiyo. Bata pa po ako. Kaya umalis ka na dito sa loob ng kwarto ko Tiyo Kalbo. Baka parating na si Tiya Melinda." Natatakot ko'ng sabi. Pero pinalakas ko ang loob ko na kung sakaling lalapit talaga siya sa akin at gagawin niya ang binabalak niya. Hindi talaga ako mag dalawang isip na ipalo ko sa kanyang ulo ang base ball bat. "Wala ka naman magagawa. Kaya gagawin ko sa iyo ang gusto ko. Alam ko na hindi makauwi ngayon ang Tiya mo. Sa kanya ako kanina nanggaling. Kaya tayong dalawa lang dito. Kaya magagawa ko talaga ang gusto ko sa iyo. Kaya humanda ka sa akin, matagal na kitang pinapantasyahan na bata ka. Kaya natatakam akong tikman ka dahil alam ko'ng sariwang-sariwa ka." Nakangisi niyang sabi. Pinalabas niya pa ang kanyang dila saka dinalaan ang kanyang labi. Nanindig ang balahibo ko na parang masusuka ako sa kanyang hitsura. Ang baho pa ng kanyang hininga ng alak. "Tiyo huwag mo'ng ituloy ang gagawin mo. Lumabas ka na Tiyo." Wika ko sa nanginginig na boses. Pero umi-iling lang siya at nagpatuloy sa paglapit sa akin. Akmang hahawakan niya ang kamay ko nang bigla ko nalang siyang sinipa. Hindi na ako magdalawang isip na paluin siya ng tatlong beses. Hindi ko alam kung saan siya matamaan dahil pumikit ako habang pinapalo siya. Nang hindi na siya kumilos mabilis ko'ng kinuha ang aking bag at lumabas sa bahay. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makalayo sa bahay ni Tiya Melinda. Halo-halong kaba at takot ang aking naramdaman. Hindi ko alam ko'ng napatay ko si Tiyo Kalbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gabi-gabi na at sobrang dilim ng paligid. "Nanay ko tulungan niyo po ako. Panginoon sana gabayan niyo po ako." Usal ko habang tumatakbo. Pagdating ko sa highway kaagad ako'ng tumawid sa kalsada. Ngunit may parating pala na trysikel at hindi ko napansin dahil sa pagmamadali ko na makalayo. Ang huli ko'ng narinig may boses ng babae na sumigaw sa loob ng trysikel. Bago ako nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD