"Hello Good morning everyone ,we gathered this meeting to inform all of you that our Company is experiencing crisis now a days because of this Pandemic issues. I know this not be easy for all of you but we need to do an action so we decided na mag bawas ng Empleyado." saad nang aming manager.
"what!! naku pano na yan !" rinig kong sabi ni Chona na para ding binagsakan ng langit. Pati din yung iba naming katrabaho hindi din maiwasang mag react sa sinabi ni Sir.
"For now yan lang muna ,next week we will finalize the employees na mag estay parin sa company at yung mga empleyadong tatanggalin. Thank you and Goodbye." at yun lang umalis na si Sir Austin, ganon din ang ibang mga empleyado.
Hanggang sa bumalik kami ni chona sa area nang binabantayan namin para parin kaming mga lutang na binagsakan nang langit , hindi na kami makapag isip nang maayos hanggang sa mag lunch at uwian.
" beshy , uwian na Tara na! "aya niya sa akin. " okay sige ,teka ayusin ko lang ang mga gamit ko."saad ko .
Pagdating namin sa labasan nang Mall. Nabigla ako sa pagsiko sa akin ni Chona. Ehhh panu lutang parin ako ,di parin talaga mawala sa isip ko na may posibilidad na mawalan na ako nang trabaho sa susunod na linggo. Tiningnan ko ang nginunguso niya. Isang lalaki na animo Model na nakasandal sa kanyang sasakyan.
"Andyan na naman and masugid mong manliligaw, mukhang mag isa na naman akong uuwi at kakain nito." panunukso nito sakin.
" tumigil ka nga diyan di ko siya manliligaw noh!!" sabay erap ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako nang tinging hindi naniniwala. At nung nakita naman kami ni Sai tsaka niya kami nilapitan.
" Hi guys ,kumusta ang araw niyo?" tanong nito samin.
"ahhh hindi ma...... "
Hindi na naituloy ni Chona ang sasabihin niya dahil tinakpan ko na agad ang bibig niya.
"ahhh ibig niyang sabihin , hindi naman masama, okay lang naman araw namin." sagot ko na lang dito.
" ikaw bakit ka nandito?" tanong kong balik sa kanya.
" namiss kasi kita." sagot nito na parang nagpipigil ngumiti. Magsasalita na sana ako ulit kaso siya namang pagsalita niyang muli.
" Pasensiya kana Angel hah ,na busy kasi ako sa office kaya di kita nadadalaw nang madalas." paliwanag nito sakin.
" Charr talaga mapapa sana all talaga ako sayo beshy. Jackpot mabait na pogi pa. Jowain mo na kaya?" bulong na saad ng bruha kong kaibigan sabay siko nito sakin. Binigyan ko na lang siya nang isang Warning Look ,sasamain talaga tong babaeng to sakin.