Jessa Zarossa’s POV Halos gusto kong sumabog sa inis nang lumabas ako ng bar. Pero nagulat na lang ako nang pagkalabas ko ay naroon si Levi at prenteng nakasandal sa may kotse nito. Parang nang-iinis pa ito dahil nakatingin na ito sa akin at nakangiti. Naningkit ang mata ko nang magtama ang tingin namin ni Levi. Alam kong hindi pa nito napapansin dahil malayo pa ang distansya namin sa isa’t isa. Ayoko itong kausapin kaya agad akong umiwas kung saan ito nakapwesto nagmamadali akong naglakad patungo sa kabilang direksyon para maiwasan ito. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na may humawak sa braso ko at pinigil ako sa paglalakad. “Jessa,” narinig kong sambit ni Levi. Hinarap ko ito gamit ang seryoso kong mukha. Wala akong emosyon na pinakita. Tumitig lang ako sa gwapong mukha nito. I

