Cont... Jessa Zarossa’s POV Nang makarating kami sa pinto ng cottage ay doon ako ibinaba ni Levi at binuksan nito ang pinto. Pagkabukas ng pinto ay muli ako nitong pinangko at binuhat na parang bagong kasal. Akala ko ay ilalapag ako nito sa kama at magpo-protesta ako dahil puno pa ng buhangin ang katawan ko. Pero dumerecho si Levi sa CR at maingat ako nitong ipinasok doon at saka ibinaba. Agad akong isinandal sa dingding at siniil ng halik. Ako naman ay maalab na ginantihan ang halik ng lalaki. Mas matinding halikan ang pinagsasaluhan namin ngayon at malaya ko nang nahahawakan ang dibdib nito at pinasadahan ng kamay ko ang matigas nitong abs. “Ohhhh...” napaungol pa ako habang nakikipaghalikan nang maramdaman ang abs nito. Matapos ay niyapos ko sa leeg nito ang mga kamay ko “Ohhhh...

