Jessa Zarossa’s POV “Levi!” Agad kong sinaway si Levi na akmang hahalik sa akin. Na-conscious ako dahil bagong paligo siya at ako naman ay siyempre… amoy kalsada pa. Pinagpawisan na rin naman ako kanina at ayokong maamoy iyon ng fiance’ ko. “Why, mahal ko?” “Ang baho ko na.” Pagkasabi ko ay tinulak ko na palayo sa katawan ko si Levi. Si Levi naman ay tuluyan nang umalis sa ibabaw ko at umupo na lang sa kama. Bumangon na rin ako at napayakap sa katawan ni Levi nang masubsob ako sa dibdib nito. Bigla kasi nitong kinabig ang katawan ko para mapayakap sa matipuno nitong katawan. Ilang segundo kami sa ganoong posisyon. Ramdam ko ang init na nagmumula sa loob ng katawan ni Levi kahit bagong paligo pa lang siya at may kaunting basa ako na nahahawakan sa katawan niya. Hindi ako gumalaw at

