Jessa Zarossa’s POV Gumuhit ang kakaibang kirot sa puso ko habang nakita ko si Levi na buhat si Francheska at nasa mukha nito ang pag-aalala at matapos ay tila sumisigaw ito at nanghihingi ng tulong sa kung sino. Napilitan akong bumaba ng sasakyan at dinaluhan ko si Levi. Ilang saglit lang ay may lumapit na ilang nag-usyoso at meron rin na traffic enforcer. “Sir, help us!” hingin naman ng tulong ni Levi sa dumating na enforcer. Ako naman ay hindi ko na rin alam ang gagawin. Natataranta na rin ako. Mabuti na lang at mukhang hindi naman napuruhan si Francheska. Wala naman akong nakitang galos o dugo sa katawan nito habang buhat ni Levi. Malamang ay sobrang nahilo lang rin ito dahil sa pagkakabangga. Kailangan pa rin nitong mapa-check up. “Levi, dalhin na lang natin siya sa ospital!” I

