Jessa Fuentebella's POV "Senyorita Jessa, ako na po d’yan at baka mapagod po kayo." Nilingon ko si Yaya habang buhat ko si Julia na umiiyak. "Yaya, it's okay. Hindi pa naman ako pagod. Iwan mo muna kami at papatahanin ko lang sila." Sumunod naman agad si Yaya at lumabas ng kwarto ni Julia at Jenna. Sa apat na anak ko kasi ay itong dalawang babae na ‘to ay saksakan ng iyakin. Naiisip ko tuloy na dahil siguro lagi akong umiiyak habang pinagbubuntis ko sila kaya sila iyakin ngayon. At kapag naiisip ko ‘yon sinisisi ko na naman ang ama nilang si Levi sa ginawa nila sa akin "Hmmmm..." hinehele ko si Julia na unti-unti nang tumigil sa pag-iyak. Maya-maya ay tumatawa na ito habang hinaharot ko. Si Jenna naman na nasa loob ng crib ay tuwang tuwa rin na nakikita kaming naghaharutan ng kapatid

