Part 15

1815 Words

MATAPOS magwalis, naisipan ni Mariolle na lampasuhin ng may Lysol ang flooring ng cabin ni William. Napasok na siya sa CR nito kaya alam niyang mayroon naman disinfectant roon. Nawala na rin ang pagtutol sa dibdib niya. Taliwas sa mismong cabin, malinis naman ang CR. May freshener pa nga.             Nang iyon na ang ginagawa niya, hindi na siya nagdalawang-isip na i-scrub pati toilet bowl. Naka-guwantes naman siya. Saka hindi naman niya nararamdamang nakakadiri ang ginagawa. Nang matapos siya sa paglilinis ay nasiyahan naman siyang tingnan ang paligid. Suminghot pa siya na tila iniinspeksyon pati hanging sumisimoy doon.             Saka niya sinamantala ang paliligo. Kahit pawang panlalaki ang mga toiletries doon, mas kumpleto naman iyon kaysa sa mga gamit ni Manong Gil. At branded pa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD