Rain's POV, Naka upo ako sa labas ng cabin. Hapon na din kasi. Nandito ako sa puno ng pine tree sa labas ng cabin namin. Si Thunder nasa loob. Lumabas lang ako kanina ng umalis na ang kambal. Mga tsismoso pa naman ang mga iyon. Napangiti ako ng matanaw ko ang dagat. Ang ganda talaga ng islang ito. Hindi halata na pugad ito ng mga malalanding lalaki at babae. Malamang dito lang sila makapalabas ng kanilang mga sungay. May mga bumibisita din na mga magpamilya dito pero nasa kabilang isla sila. Like I said, liberated ang islang ito. "You want to swim?" Napabalikwas ako at napatingin sa likuran ng marinig ko ang boses ni Thunder. Ngumiti ako sa kanya, hindi ko alam pero bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko kay Thunder. I don't know. "Sasamahan mo ako?" Tanong ko sa kanya. Buong maghapon n

