Rain's POV, Hinipo ko ang medyo naumbok kung tiyan. Habang nakaharap ako sa salamin. Nakauwi na ako sa bahay ko. Isang linggo na ako dito. At ang agent na nakabantay sa bahay ko pati ang mga kasambahay pinauwi ko. Ang katulong na kinuha nila binayaran ko para umalis. Sinabi ko naman sa kanila na hindi ko pababayaan ang sarili ko. Gusto ko lang magpag-isa. Katulad ngayon, hubad akung nakaharap sa salamin. Hindi naman nila ako pinapayaan na lumabas ng bansa para sundan si Thunder. Ang sabi nila unahin ko ang sarili ko. Kaya, gumawa ako ng paraan para mabalik si Thunder. Ng magka-usap kami ng mabuti. Kakapalan ko na ang mukha ko. I love him, I really do. Sinuklay ko ng kamay ko ang blond ko na buhok. Pinalitan ko na ang kulay ng buhok ko. Gusto ko na ang blond. Napatawa ako ng pagak ng

