Thunder's POV, "Sabing ayoko! Gusto kung makita si Nix!" Napakamot ako sa ulo ko ng batuhin ako ni Rain ng sandok. Dinala ko siya dito sa kusena para kumain pero ayaw niya. Gusto niya daw makita si Nix. Pinaglilihihan niya kasi. "Hon, kumain ka muna tapos pupunta na tayo kay Nix." Sagot ko sa kanya. Bigla namang naging maamo ang mukha niya. Dito na siya nakatira sa bahay ko. Mas pinalaki ko pa ang bahay ko para sa kanya. Ilang buwan na din kaming kasal. At, sa totoo lang mahirap maglihi si Rain. Lahat ng gusto niya dapat nasusunod. "Talaga? Tapos bibili dapat tayo ng chocolate." Masayang wika nito, napatawa naman ako sa inasal ng asawa ko. Linapitan ko siya at niyakap mula sa likuran. Naka upo kasi ito sa stool, habang sa unahan niya ang pagkain na niluto ko para sa kanya, na halos s

