Kabanata 7 Uhaw sa Sarap Bumalik ako sa tinutuluyan kong apartment matapos ang gabing inamin ko ang lahat kela papa at tito ang nangyari sa akin. Pagkauwi ko ng apartment, nakita ko sila Arnel at Nico kasama sila Jasser at iba pa niyang mga kaibigan na sila Joshua, Paulo, Mico at Louis na nag-iinuman at nagkakasiyahan. Pinilit ko ang sarili ko na hindi magsalita tungkol sa nangyari sa akin pagkatapos ng inuman noong isang gabi. Binati nila akong lahat pero pinasadahan ko lang sila ng tingin at dumiretso ako agad sa kwarto. Nagpalit ako ng damit at nahiga sa kama. Hindi ako makatulog at nakatulala na lamang ako sa kawalan. Bigla namang pumasok si Arnel sa kwarto. "Pre, okay ka lang ba? Badtrip ka ba?" tanong niya. "Di pre. Pagod lang ako pasensya na." sabi ko at saka dumapa. Natatakpan

