Matapos ang dinner at magpalitan ng calling card ay lumabas na sila sa mall at dumiretso sa parking lot. She of course intended to park her vehicle near his car. "Oh, gosh! My tire is flat!" gulat niya kunwaring bulalas habang nakatitig sa kotse niya! Kung hindi siguro naging Mafia King ang Daddy niya at hindi rin siya naging Mafia Queen ay baka sa pag-aartista ang suwerte niya. "Is that your car?" itinuro pa ni Contreiras ang kotse niyang halos katabi lang din ng kotse nito at tumango naman siya rito. Sinipat ng maige ni Contreiras ang lahat ng gulong ng kotse niya at nakita nitong isa lang naman ang na-flat. "Looks like you can't use your car now." ani Contreiras nang makatayo na ito sa tapat niya. "Oo nga. I guess I'll have to book a taxi–" "Bakit magta-taxi ka pa kung puwede nama

