Strawberry

3317 Words
"Kkkrrriiinnnggggggg!!!!!" malakas na tunog ng bell ang sumunod na narinig ni Haven bago pa man nya maabot ang leeg ng kaibigan nyang si George. Nag alangan syang tignan si Yvez sa pag aalala at sa kahiya hiyang sikreto na ibinulgar ng kaibigan nyang pinaglihi ata sa chismosa. Sa huli ay naglakas loob syang tapunan ng tingin si Yves mula sa kanyang kinauupuan ngunit laking pagtataka nya dahil wala na ito dito. "Girl, waz na! Lumabas na si Oppa!" ani George na ngingiti ngiti. Napapikit ng madiin si Haven at nilingon ang kaibigan habang pinipigilang sumambulat ang inis para dito. "So? Masaya ka?" Pagtataray nito. "Ito naman masyado ka namang pikon!" subalit ay sagot ni George. "Okay kalang ba? Matagal kong iningatan na walang ibang makaka alam na crush ko iyong tao. Sinabi ko sayo kase kaibigan kita tapos anu ginawa mo? Sa tingin moba nakaka tuwa iyon? May mga bagay na hindi dapat ginagawang biro George dapat alam mo iyon!" Inis nyang turan. Napakagat labi naman si George ng marealize nito ang nais iparating ng kaibigan. "Sorry na friend. Eh mukha ngang nasobrahan yung biro ko sa iyo. Wala naman akong masamang intensyon friend, pasensya kana ha?" hinging paumanhin nito na lumapit at isinukbit ang braso sa braso din ng kaibigan. "Pero wag kang mag alala wala namang ibang naka rinig eh! Lalo na syempre si Yvez, naka headset kaya sya na nakikinig ng music. May pa slowmo headbang pa nga sya eh!" "Oo nga tsaka tayo tayo lang naman yung nandito sa classroom wala ng iba. Teka bakit nga ba tayo lang? Eh first day of class ngayon ah!" Tanung naman ni Marianne. Hindi naman kumibo si Haven ngunit nagsimula na itong humakbang at naglakad papuntang playground upang umattend ng flag ceremony. Bumaba sila mula sa pangalawang palapag ng gusaling iyon habang naka sukbit padin ang braso ni George sa kanyang braso. "Sorry na kase friend!" Alo ulit ni George. "Whatever!" Kusilap ni Haven at itinulak na sya nito papunta sa linya ng mga kalalakihan. Hindi naman sinasadyang napalingon sya sa nakatayong si Yvez sa likod lamang ni George. Alanganin man pero nginitian nya ito ngunit tinignan lamang sya nito na para bang wala lang. Agad nalamang syang tumalikod at dismayadong nakihelera nadin sa pila ng mga babae. Nagsimula na nga ang kanilang flag ceremony pagkatapos ay pumasok na ang mga mag aaral sa kani kanilang mga silid. Ngunit laking pagtataka parin nila dahil halos wala pa sa kalahati ng bilang nila ang nasa silid sa mga oras na iyon. "Anyare? Tayo lang talaga, eh halos umabot na tayo sa gate kanina sa haba ng pila ah?" ani Marianne. "Jusmiyo Marimar! Nagtaka kapa, dipa ba obvious? Ayaw nilang adviser si Mrs. Minchin! Dinig ko nga kanina sa pila na may mga pumunta sa teachers office,nakikiusap na ilipat sila sa ibang section!" "Tsk!" tanging kumento naman ni Haven. "Punta din kaya tayo sa teachers office? Request din natin na magpa lipat?" Yaya ni George. "Go ahead!" walang ano'y muling sambit ni Haven. "Sus! Ayaw mo lang mawalay jan sa crush mo eh! Nginitian mo nga, pero di ka naman sinuklian." Pang sisimulang okray ni George. "Pero nauna naman nya akong nginitian kanina hindi ba? O anu? Ikaw ba nangitian na nya?" Balik ni Haven sa kaibigan ng may dumutdot ng tatlong beses sa kanyang balikat. Kahit hindi lingunin ni Haven ay alam nyang si Yvez ang nasa likuran nya. Kabisado kase nya maging ang pabangong gamit nito. Ganun niya kakabisa ang kanyang crush. Dahan dahan syang pumihit para harapin ito at kahit nag aalangan ay nginitian nya ulit ito ng sapilitan. "Hi? Bakit?" Alanganin pading tanung nya pero sa loob ay kinikilig ito at halos himatayin nanaman sya sa sobrang niyerbos dahil naalala nyang nabanggit nanaman ni George na crush nya ito. Kumunot naman ang noo ni Yvez at inalis ang headset mula sa kanyang tenga. "Sorry, anu yun?" balik tanung nito. "Ha? Ah! Hindi mo narinig? Sigurado ka wala kang narinig? As in?" Paniniguradong tanung ni Haven na sinagot naman ni Yvez ng pagtango. Doon na nakahinga ng maluwag ang dalaga. "Hayy! Buti naman! Salamat talaga sa naka imbento ng headset!" walang ano'y sabi nya. Napa tawa naman ng mahina ang binata sa sinabing iyon ni Haven. "Bagay mo pag ngumingiti ka. Ang cute ng maliliit na dimples mo sa gilid oh! Tapos litaw pa yung mapuputi at pantay pantay mong mga ipin." kumento ng dalaga. Agad namang binawi ni Yvez ang ngiti nyang iyon na ikinadismaya ulit ni Haven. "Oh! Balik seryoso nanaman to!" Simangot nito. "Ahmn.. Actually may gusto lang akong sabihin kaya kita kinakausap ngayon pero wala akong balak makipag kwentuhan o makipag close sa iyo. Sorry to disappoint you." diretsahang sabi nya sa dalaga. Hindi naman nakapag salita agad si Haven dahil mejo kumirot ang puso nya mula sa narinig. "A-anung gusto mong sabihin?" tanung niya. "Tungkol kanina" pagsisimula ni Yvez. Agad nanlaki ang mga mata ni Haven at pinigil ang susunod pang sasabihin pa sana ni Yvez sa kanya. Agad nyang itinapat ang hintuturo sa bibig ng binata. "Ayokong marinig ang anu pa mang sasabihin mo please! Sapat na saakin ang masabihan mong ayaw mo akong maka close. Kung anu man ang mga narinig mo kanina kalimutan mo nalang! Please wag muna akong ihurt! Tsaka akala koba wala kang narinig?!" tanung at pakiusap nito. Gulat naman si Yvez sa tinuran ng dalaga at marahas na inalis ang hintuturo nito sa kanyang bibig. "Pinagsasabi mo?" kunot noong tanung nito. "Anyway, look gusto kolang humingi ng sorry sa iyo regarding kanina sa highway. Natalsikan ng putik ang sapatos at medyas mo hindi ba? Sorry about that. Mejo nagmadali ang driver dahil ang sabi ko ay mahuhuli na ako sa klase. But don't worry that won't happen again." paliwanag nito. "Ha?" tanging sambit nalang ni Haven. "Yun ba yun? Akala ko pa naman ay yung tungkol sa kwan! Oh, so kayo pala yun? Huwag kang mag alala okay lang sakin yun. Natalsikan lang naman ako, hindi niyo naman ako nahagip or anu paman! I'm fine!" ngiting sagot niya. Tinignan lamang sya ni Yvez at dumako ang mga mata ng binata sa kanyang sapatos at medyas na may bahid pa ng mga putik na tumalsik dito. Walang ano-ano ay may inilabas sya sa kanyang bulsa at lumuhod sa harapan ng dalaga. Gulat naman si Haven sa ginawang ito ni Yvez. Halos mahiya sya ng makita nyang pinupunasan ng binata ang sapatos nya. "Nakuh! Halah sya! Yvez wag na! Hindi mo naman kailangang gawin yan! Okay lang naman saakin. Ako nalang!" Saway ni Haven dito kasabay ng biglang sunod sunod na pagpasok ng mga kaklase nila. Agad namang tumayo si Yvez mula sa pagkaka luhod at seryosong humarap kay Haven. Wala syang imik ngunit kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay dito ang wet wipes na kanyang hawak saka tumalikod upang maupo sa kanyang upuan. Kagat kagat naman ni George ang kanyang mga kuku habang pinapanood ang pangyayaring iyon kasama si Marianne na ngingiti ngiti sa kanyang tabi. Agad nilang nilapitan ang kaibigan ng umalis si Yvez at tila mga kiti kiti na hindi mapakali. "Hoy! Anung eksena yun? Ikaw ha! Meron kang hindi nachichika saamin! Hmmmn!" Naka ngiting sabi ni George. "Sinasabi mo? Narinig nyo naman diba? Dumaan sila sa highway kung saan nakatayo ako doon tapos mabilis ang patakbo nila kaya natalsikan ako ng putik!" Sagot niya. "Oh tapos?" Subalit ay tanung naman ni Marianne. "Tapos?" Balik tanung ni Haven. "Sus!Anu yung paluhod luhod ni Yvez ha?" usisa padin ni George. "Duhh? Bulag kaba? Diba nga nakita nyong pinunasan nya yung sapatos ko?" "So kailangan lumuhod at gawin iyon? Knowing him?" Taas kilay na tanung padin ng bakla. "Ewan ko sayo! Bahala ka nga kung anung gusto mong isipin! Narinig mo naman kung anu ang sinabi niya kanina diba? Ayaw nyang makipag kwentuhan o makipag close saakin! Kaya wala lang yun! No malice! Ikaw lang talaga itong malisyoso! Bahala ka nga jan!" Pagsusungit ni Haven at sabay walk out sa kanilang silid aralan. Tumakbo sya upang makarating kaagad sa silid palikuran. Inisa isa nyang chineck kung may tao ba sa mga cubicle at ng masiguradong wala ay doon na niya inirelease ang kanina pa nya pinipigilang kilig. Nagtititili sya at tumatalon talon na para bang kinikiliti. "Gosh! Yvez nemen! Beket nemen ang sobrang pafall mo!Kainis ka!" Pabebeng tanung nya na tila ba nasa harap niya lang ang kausap. Ngunit ilang segundo lang ay may narinig syang kumatok sa pinto ng mismong palikuran. Agad syang natauhan sa ginagawa at minadaling inayos ang sarili. Agad nya ding binuksan ang pinto ngunit pagtataka nya dahil wala namang tao sa labas. Naalala nya bigla ang kwento kwento ng mga kapwa nya mag aaral na may multo umano sa kanilang c.r. Umakyat ang kilabot sa kanyang katawan at tumakbo ito ng walang lingon lingon. "aahhhhh may multoohh!" sigaw nito habang tumatakbo sa hallway. Nang makarating sya sa kanilang classroom ay napuno na ang kanilang silid ng mga kapwa nya estudyante. Pumunta nadin sya sa kaniyang upuan at agad na nagpahid ng alcohol sa kanyang mga kamay. "Hoy! Bat ka namumutla jan? Pawis pawis kapa!" tanung ni Marianne sa kanyang tabi. "Ha? Ah wala, pumunta kase ako sa c.r tapos may kumatok pero nung buksan ko wala namang tao. Ang weird! Tapos naalala kopa yung mga sabi sabi na may something nga daw sa c.r sa baba kaya tumakbo na ako. Nakuh! Baka mahimatay pa ako kung biglang magpakita saakin yun noh!" Mahabang kwento niya. "Sus! Nagpapaniwala ka sa ganun?" kumento naman ni George na talagang lumingon pa sa kanila upang makipag daldalan. "Alam mo better safe than sorry ika nga nila. Totoo man o hindi. Hindi kona aantayin pang magpakita saakin kung anu man yung something na yun noh!" Depensa ni Haven. "Alam mo imagination mo lang yun!" sagot padin ni George. "Ah basta! Sige na nga humarap kana doon! Maya maya anjan na ung teacher natin!" saway ni Haven dito upang hindi na humaba ang kanilang usapan at hindi nga siya nagkamali dahil ilang segundo lang ay pumasok na ang tinagurian nilang terror teacher ng campus. "Good morning!" Seryosong bati nito. "Good morning daw pero seryoso naman! What's good in the morning if you're too seryoso maam?" ani Haven sa sarili. "Good morning ma'am! Good morning classmates!" Tumayo at sabay sabay na bati nilang magkaka mag aral sa isat-isa saka umupo. "Allright so let me introduce myself to you, even though alam ko namang kilala niyo na ako. I am Ms. Ligaya De Mano your class adviser." Pagpapakilala niya. "So! Balita ko madami daw nagpunta sa teachers office at nakikiusap na itransfer sila sa ibang section." Palakad lakad na tanung ng guro habang hawak hawak ang isang ballpen na ipina iikot ikot nya sa kanyang mga daliri. Agad namang nagbulungan ang mga estudyante samantalang nagkatinginan lang si Haven at Marianne na magkatabi at sa harap nila ay ang likuran ni George na katabi naman ng isa pa nilang kaklase. "I am wondering, why are you so desperate to transfer sa ibang sections to the point na pupunta pa kayo sa office? Why? Have I done something bad to you guy's? Meron ba? or meron naba?" Huminto ang guro sa paglalakad sa kanilang harapan at tinignan silang lahat. "Wala pa naman, hindi ba?" nakangising sagot nito sa sariling tanung na lalo pang naghatid ng takot at niyerbyos sa mga estudyante. "Listen up guy's. I'm not whom you think I am. Yes I am a strict teacher but-! But I can also be your friendly teacher depends on how you treat me of course! If you don't like me, then I don't like you either as simple as that. But you really don't have a choice kase weather you like it or not you belong here. Wala ng available seats para sa inyo sa ibang sections. Kaya naman let me tell you my rules and number one is violence! I hate violence! As much as I hate disrespect and that is number two. Oh! And one more thing! Bawal ang ligawan dito sa room na ito! Kung gusto niyo mag landian please get out! This is a sacred place plainly for those who wants to learn. Not a love nest! That's all! See you later students!" Madaling pagpapaalam na nito. "Oh my God! Akala ko maiihi na ako sa salawal ko girl!" Ani George na muling humarap sa kaniyang likuran. "Ang O.A!" ani Marianne. "Mukha naman palang okay si Maam ah!" sabi naman ni Haven. "Well... hindi natin yan masasabi. Malay mo bumubwelo lang yun!" hindi parin kumbinsidong sabi ni George. "Hayy nakuh! Buti pa humarap ka nalang doon kase ayan na yung first subject natin oh!" Nguso ni Haven sa gurong pumasok sa kanilang silid at hindi nya alam pero nilingon nya ang gawing kaliwa niya at nakita nya si Yvez na nakatingin pala sakanya. Agad naman nyang unti unting inayos ang nguso nya na tila ba inaabot ang hahalikan. Wala namang reaksyon si Yvez na dumaan lang ang tingin sa kanya papunta sa gurong nasa harapan nila ngayon. Kinagat nalang ni Haven ang pang ibabang labi at tumingin nadin sa kanyang harapan. Mabilis na lumipas ang mga oras at natapos din ang unang araw nang iskwela. Wala namang bagong mga estudyante sa kanilang silid kaya naman kilala na nila ang isat-isa. Inililigpit na ni Haven ang kanyang mga gamit ng yayain sya ni George na dumaan sa bagong bukas na cafe sa di kalayuan ng kanilang iskwelahan. Inaya din nito si Marianne na abala sa pag reretouch ng kanyang mukha. "Uy! Masyadong makapal yung isang kilay mo bhe! Hindi pantay!" kumento ni George. Ngingiti ngiti naman si Haven na pinag mamasdan si Marianne sa ginagawa. "Anu ba kase yan Marianne? Sino bang pinapa gandahan mo?" biro nito sa kaibigan. "Wala! Pero duh? Just in case diba?" sagot ni Marianne. "Weh? Just in case daw! Baka naman may hindi ka sinasabi saamin! May date kaba?" Biro ni Haven. "Anu kaba? Wala nu! Kaya nga ako nagpapa ganda para may maka date eh! Ikaw gusto mo itry?" tanung ni Marianne. "Itry ang alin? Makipag date? Nakuh yari ako sa nanay ko nyan ah!" Protesta agad nito. "Gaga! Itong make up ang sinasabi ko! Gusto mo ayusan din kita? Malay mo may mameet tayo dun sa Cafe na pogi diba?" Kinikilig na sabi ni Marianne. "Hmp! Ayoko nga! Maganda na ako nuh! Ayokong pinipinturahan ang mukha ko! Natural na ganda to girl!" pagmamalaki ni Haven. "Ay wow! Apaka yabang din netong kaibigan mo eh nuh" Ani Marianne kay George. "Kuh! Hayaan mo sya kung ayaw nya! Tsaka totoo nga namang maganda sya aminin din natin yun. O sige na maganda kana Haven! O anu masaya kana? Happy? Kami na tong pangit na nanghihiram ng ganda sa make up!" "Ikaw naman! Uy! Wala akong sinasabing ganun sa inyo ha! Wag kayong anu jan!" Sagot ni Haven na nakanguso. "Oh eto try mo!" Sabay abot ni Marianne sa isang maliit na bagay. "Anu naman to?" tanung ni Haven. "Ignoranteng bruha ka! Liptint yan!" sagot agad ni George. ""Aanhin koto?" subalit ay tanung ulit ni Haven. "Ayy impaktang to! Parang lipstick yan na ipapahid mo sa bibig mo pero kaunti lang ang iapply mo." Paliwanag ni George. "Girl! Alam ko kung anu ang liptint! Hindi naman ako ganun ka "igno" you know? Ang ibig kung sabihin ay para saan at gagamit ako ng ganyan eh hindi nga ako mahilig sa mga ganyan diba? Hindi ako interesado! Yun ang ibig ko sabihin!" pagpapaliwanag din ni Haven. "Masyado na kaseng dry yang lips mo bhe! Kaunti nalang parang mamamalat na kaya ko iniabot yan dahil may moisturizing effect din yan sa lips!" sagot ni Marianne. "Ah yun ba yun! Nakuh! No need may lip balm ako dito na inorder pa ni Mama sa Abon, strawberry flavor!" Naka ngiting sabi ni Haven at ipinakita ito sa kanila. "Eiihh! Ah ibig ko sabihin Ah, eh, edi okay!" pagtatama ni George ngunit tinaasan lamang sya ng kilay ni Haven habang iniaapply ang lip balm sa kanyang labi. "Binili ni Mama to kase madalas talaga mag chop ung lips ko lalo na pag andto ako sa school kase talagang halos hindi ako umiinom ng tubig. Actually madami nga syang binili eh para daw hindi ko kaagad maubos." kwento nya habang inaayos na nito ang kanyang mahabang buhok. "Ahh okay. Eh bat kase dika mag baon ng tubig? Para di kana bumili sa canteen? Ke mahal pa naman ng patong nila jan!" Walang anung sabi ni George na naglalagay na ngaun ng eyeliner sa kanyang mata. "Meron naman kaso nakalimutan ko eh! Daldal kase ni Mama kaninang umaga kaya umexit na ako kaagad!" Kamot ulong sagot ni Haven. "Hmp! Same sila ni Mother earth ko! Ke aga aga nag bubunganga na. Alam mo bang ginigising ako madaling araw? Halos hindi pa ata tumitilaok yung alaga ni Papa na manok! Ano? Ako ang titilaok? Substitute nung manok ganun? Kaloka!" "Ikaw naman! Eh syempre baka magpapatulong lang si Mama mo na magprepare lalo at madami syang inaasikaso. May kapatid kapang maliliit na inaalagaan nya diba? Kaya naman intindihin mo nalang." Alo ni Haven. "Kaya nga naman George!" Segunda ni Marianne. "Guy's gets ko naman yun! Tsaka alam kodin na dapat kung tulungan si Mama. Kahit di nya sabihin saakin alam kung hirap nadin sya sa pag aalaga at asikaso saming magkakapatid plus si Papa pa o di sya na ang superMom ng taon diba?" "Bakit kase dipa kayo kumuha ng kasama? Kahit papaanu kaya nyo naman ata hindi ba?" "Hayy nakuh Marianne! Kahit gusto ko kung ayaw ni Mother earth wala akong magagawa dahil hindi naman ako ang magpapasahod. Katwiran ni Mama kaya naman daw nya atsaka dagdag gastos lang daw! Ipunin nalang daw lalo at lumalaki na kami,kaya tiyak na lalaki nadin ang gastos. Tapos isa pa saglit lang daw maging bata ang mga kapatid ko. Hindi daw mamamalayan ang paglaki nila. Kaya okay lang daw!" "Eh ikaw okay kalang ba?" tanung ulit ni Haven. "Okay lang! Nakakapagod din minsan kase ako lang lagi pero okay lang naman! Atsaka naappreciate naman nila Mama at Papa yung efforts ko kaya okay nadin yun. Masaya naman akong matulungan sila eh!" "Sabagay! Masaya ka naman sa mga kapatid mo eh, ansaya siguro magkaroon ng kapatid noh?!" Ngiting tanung ulit ni Haven. "Oo naman! Meron akong prinsipe at barbie doll na inaayusan. Minsan nga punching bag eh! Ha! Ha! Ha!" tawa ni George. "Halah grabe punching bag talaga?" Hindi makapaniwalang tanung ni Haven. "Gaga Syempre hindi nuh! Bakla ako pero hindi naman ako bayolenteng tao." "Eh sabi mo kase eh!" Kumento naman ni Marianne. "O sya anung petsa na! Dipa ba kayo tapos jan? Anung oras na oh!" Ipinakita ni Haven ang relong pambisig. "Okay na yan tara na!" Yaya din ni Marianne na nagsisimulang magligpit. "Okay! Let's go na!" Sabi naman ni George. "Oh! Yvez hindi kapa uuwi, balak mobang tapusin dito yang buong libro?" tanung ni George ng mapansing nasa upuan pa nya ito at nagbabasa ng libro. Tinignan naman sya nito ngunit ibinalik din nya ang kanyang tingin sa kanyang binabasa. "Ay! Okay! Sige enjoy!" Sabi nalang ni George at lumabas na sila sa silid ngunit bago paman makalabas ng pinto si Haven ay nilingon muna niya si Yvez na patuloy sa pagbabasa saka sya nagpasyang humakbang na papunta sa kanyang mga kaibigan. Samantala, naiwang mag isa si Yvez sa classroom na iyon. Tumayo nadin sya at iniligpit ang libro na kanyang binabasa ng mahagip ng kanyang mga mata ang kaninang hawak lang ni Haven na lip balm nito. Malamang ay nahulog nya ito sa pag aakalang nailagay niya sa bulsa ng kanyang uniporme. Nilapitan niya ito at dinampot mula sa sahig. Tinitigan at inamoy amoy nya pa ito. "Strawberry nga!" sambit nya na may naglalarong mga ngiti sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD