"TOO MUCH LOVE WILL KILL YOU EPISODE" Nang una ay pasulyap-sulyap lang si Markie sa iphone niyang nakapatong sa tabi ng kaniyang keyboard habang tinatapos niya ang ilang nakabinbing trabaho bago sila babakasyon ng kaniyang mga kapatid kasama ang baby Andrew niya. Nakaramdam siya ng kakaibang excitement. Maliligo sila ni Drew sa ilog, magtatampisaw sa dagat, aakyat sa puno ng mga prutas. Kahit isa o dalawang araw lang silang magkasama doon ay gagawin niya ang lahat para magiging memorable ang unang bakasyon nilang iyon. Nang naglaon at halos isang oras na ang nakakaraan at wala pa ding text o tawag si Drew ay tuluyan na niyang hinawakan ang kaniyang iphone at tumayo. Hindi niya maintindihan kung bakit yung excitement niya kanina ay napalitan ng kaba. Kinakabahan siya at hindi niya alam ku

