May isang lihim na sumusunod sa lahat ng mga kilos ni Drew. Nagbigay ng matinding kalituhan sa kaniya ang mga nangyayari. Sina Drew at Marlon ang masayang magkasama at sina Daniel at Markie ang mukhang nagkakamabutihan. Si Marlon nga ba ang dapat niyang katakutang makakuha kay Drew? Nasapo niya ang kaniyang ulo. Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang iisipin. Naguguluhan tuloy siya sa pagsasaayos sa kaniyang mga plano. Kung pumapasok man si Ken sa opisina ay para lang pirmahan ang ilang mga papers ngunit alam niyang kukunin at kukunin na ng bangko sa kaniya ang kumpanyang inakala niyang magiging hawak niya kay Drew. Inakala niyang habang nasa kaniya ang kumpanya ay mananatili si Drew sa buhay niya. Nagkamali siya ng inakala. Kaya pala ni Drew na iwan iyon kasama siya. Hindi na siya nak

