Matuling lumipas ang mga araw. His friends failed to seduce their maid kaya oras na ni Ian para siya naman ang trumabaho kay Laura. Sa mahigit isang buwan nilang pagsasama ay na-memorize niya na ang pangalan nito. At higit sa lahat ay gusto niya ang luto nitong sinigang. At hindi niya maipaliwanag kung bakit tila pamilyar sa kaniya ang lasa ng luto nito. Bumangon si Ian. It’s past seven at dahil hindi siya pupunta sa kompanya ay ilalabas niya si Laura. Naligo na muna siya bago lumabas. Naabutan niya ang babae na kausap ang ina niya. Hindi na muna lumapit si Ian sa dalawang babae dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Mula sa hagdan kung nasaan siya patungon sa sala kung nasaan ang dalawa ay tanaw niya ang mga ito. Tumatango si Laura habang ang mommy niya naman ay nagsasa

