Nasa bahay siya ngayon nila Susy at naghahanda para sa JS Prom. Kinaon siya ni Susy sa bahay ng tiyahin niya. Yeah, sa bahay mismo ng tiyahin niya, dahil ang tiyahin niyang mala-Disney na kontrabida ay ayaw siyang paalis. Nasa Naval kasi ang Kuya Trevor niya dahil may pinapapirmahan din itong papel sa mga teachers nila kaya wala siyang tagapagtanggol. Mabuti na nga lang at pumunta ang kaibigan niya dahil hindi ito mahihindian ng tiyahin niya. Ngayon nga ay nandito sila at inaayusan na sila. “Ang ganda mo talaga, best friend,” saad ng kaibigan niya sa kaniya habang nakangiti sa kaniya. “Mas maganda ka kaya.” “Oo na. Alam ko na, pero mas maganda ako tonight, no.” Her best friend eyes is sparkling na para bang may inaasahan itong magic na magaganap kaya hindi niya na napigilan ang m

